09/09/2025
September 8, 2025
Sa paglalayong makatulong sa kalusugan ng ating barangay, sa pangunguna ng ating butihing Mayor Hon. Nelson "Sonny" Perez Collantes, kasama ang Sangguniang Panglungsod sa pakikipagtulungan ng isa sa mga City Pediatrician Dra. Gazel Ablao, anak ng ating Vice Mayor Hon.Wilfredo " Dodong" Ablao , at sa pakikiisa ng ating butihing ama ng Barangay Darasa Hon. Greg Llanto at ng bumubuo ng Sangguniang Barangay Darasa.
Ginanap kaninang umaga ang SBI (School Base Immunization) " BAKUNA ESKWELA" CAMPAIGN" sa Bernardo Lirio Memorial Central School sa Darasa, Tanauan City, Batangas.
Sa tulong ng ilang empleyado ng CHO at DOH Tanauan City at ng Barangay Health Workers ng Darasa.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong maprotektahan ang mga batang nasa ika-una at ika-pitong grado laban sa Tigdas at Tetanus Dipterya, kung saan sila ay nabakunahan ng MR (measles rubella) at TD (Tetanus Diptheria). Ganun din naman ang mga batang babae na nasa ika-4 na Grado ay nabakunahan ng HPV (Human Papilloma Virus)
na magsisilbing proteksyon laban sa Cervical Cancer.