
23/08/2025
TIGNAN‼️👇👇
📌HALINA AT MAKIISA !!!
🎯Community Based Immunization💉
Ang mga edad 9months -19 years old ay babakunahan.
Para sa kanilang karagdagang proteksyon laban sa Tigdas at Rubella o Tigdas Hangin.
📆Ngayong Huling Linggo ng Agosto 2025, sa bawat Brgy Health Station ng ating Bayan at sa RPHS Tanay- Annex.
👨👩👧👦Hinihikayat ang lahat ng magulang na dahin at pabakunahan ang kanilang mga anak upang maging protektado at ligtas.
📌FYI:
Kung ang inyong mga anak ay mayroong bakuna ng Measles at Rubella nuong sila ay 9months at 1year old, BIBIGYAN ulit sila ng bakuna bilang booster dose o karagdagang proteksyon.
At kung wala nman silang bakuna hanggang sa ngayon, marapat na sila ay pabakunahan na upang magkaroon ng panlaban sa sakit na tigdas at tigdas hangin💉💉
Tandaan‼️
Tanging pagbabakuna lamang ang paraan upang hindi na lumaganap pa ang sakit na ito🥰
Sama-sama nating proteksyonan at pangalagaan ang kalusugan ng ating mga kabataan, at makatulong upang maiwasan ang outbreak sa ating komunidad.