
17/06/2025
FYI
Following are private messages. I chose to make them public for awareness. Let's answer them:
Q1."Good Evening po Sir Lee.
Ano po kya ang nang yari sa honey ng Pukyutan na nabili ng isang consumer after na ilagay sa Refrigerator nag karoon ng parang kulay taho sa loob.ng bote Na tiinikman ko po ai na mumuong sugar pla. Granules po ba yun parang ganuom."
Q2 "2nd case nmn from other consumer here in Tagkawayan who buy pukyutan honey from a hunter. Iba na po yung lasa and may smell na hindi po ka ayaaya yung honey"
On Q1
Q: Bakit po nag-granulate ang honey ng pukyutan kahit mataas ang moisture content?
A: Normally, honey with high moisture content (like that of Apis dorsata/breviligula) tends not to crystallize quickly but it still can under specific conditions.
Granulation (o crystallization) is mostly driven by:
✅ High glucose-to-fructose ratio – Apis breviligula honey, depending on floral source, may still have a high glucose percentage despite its watery nature. Glucose crystallizes more easily.
✅ Cool storage – Pag nilagay sa refrigerator, lalong bumibilis ang granulation. Cold temperatures slow down the movement of sugars and encourage crystal formation. Kaya nagmumukhang “taho” o parang may namuong asukal.
✅ Presence of fine particles – Pollen, wax traces, or air bubbles act as “seeds” where crystals start forming. If raw or unfiltered honey ito from wild harvest, mas madali pa rin itong mag-crystallize.
✅ Natural variation in wild honey - Dahil hindi ito standardized (unlike commercial honey), iba-iba ang behavior. Kahit mataas ang moisture, pwedeng mag-crystallize kung mataas ang glucose or madumi ang handling.
🟠 Important note: Granulation does not mean fake or spoiled honey. It’s a natural process and reversible. Just warm the bottle (below 40°C) to return it to liquid form but do not microwave it directly to preserve enzymes
On Q2
Q: Bakit po may kakaibang amoy at lasa ang pukyutan honey na nabili mula sa hunter? Hindi po kaaya-aya.
A:Posibleng ang off-smell at off-taste ng honey ay dahil sa hindi tamang pagkuha at pagproseso nito. Isa sa pinaka-karaniwang dahilan ay ang:
⚠️ Pagsasama ng brood (itim na itlog o larva) sa honey.
Kapag ang pugad ay dinurog at piniga para kunin ang honey (common sa hunting method), madalas ay nasasama ang mga brood cells, larva, pollen, at minsan pati bangkay ng mga bubuyog. Ito ay naglalabas ng:
* 🐛 Malansang amoy (mula sa protina ng larvae o fermented brood)
* 🦠 Maasim o bulok na lasa (dahil sa simula ng fermentation)
* 🤢 “Mapanghi” na aftertaste mula sa protein breakdown
Bukod dito, hindi sterile ang proseso ng mga honey hunters, kaya posibleng may kontaminasyon din mula sa mga gamit o mismong kamay.
✅ Kaya mahalagang kumuha lang ng honey mula sa maayos na beekeeper na gumagamit ng hygienic na extraction method. Ang malinis na pukyutan honey ay dapat:
* May natural na floral aroma
* May kaunting fermented kick pero hindi bulok
* Walang latak ng brood o larva
Now you Know.