27/02/2024
BAGONG PILIPINAS SERBISYO FAIR MATAGUMPAY NA IPINALAGANAP SA LALAWIGAN NG SULTAN KUDARAT!
Sultan Kudarat - ika-25 ng Pebrero taong kasalukoyan, naging matagumpay ang isinagawang Bagong Pilipinas "Serbisyo Fair" (BPSF) sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Naging katuwang sa nasabing Bagong Pilipinas Serbisyo Fair ang aktibong gobernador ng nasabing lalawigan Hon. Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu, Congresswoman Bai Rihan Sakaluran, TESDA Secretary Suharto Teng Mangudadatu,Alhadj Maguindanao Provincial Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu , House of Representative Ferdinand Martin G, Romualdez. At Regional Director DSWD Lorieto Jr Cabaya.
Ang layunin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ay upang makapag-abot ng iba't-ibang serbisyong gobyerno sa mamamayan.
Layunin nitong mas mailapit ang serbisyo sa mamamayan, kung kaya't nagsagawa ng ganitong klaseng serbisyo (pangkalahatan) katuwang ang iba't-ibang ahensya ng gobyerno, PSA, PhilHealth, 4P's, DOLE12, OWWA, DENR, Supplement Feeding Program, DENR, DOST12,DTI, BIR, PCSO Lotto ticket, SSS, General Insurance/ motor vehicle, DILG, DPWH, Integreted BAR of the Philippines, WCPD, BFP12, Phil Army Reservist & ROTC requirements, NBI, Regional Anti Cybercrime Unit12, DITO, Pag ibig fund, GCIS, business sector, DFA, LTFRB, Commission on Higher Education, DAR, DA, TESDA, PDEA at LTOPF requirements.
Liban sa mga serbisyong naipaabot ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), nagkaroon rin ng puspusang preperasyon ang mahal na gobernador Gov. Datu Pax Ali S. Mangudadatu na kung saan sya'y naghandog ng Pasasalamat Concert mula sa bigating mga singer at rappers ng Pilipinas.
Nagpasalamat naman si House Speaker Martin Romualdez sa maiinit na naging pag tanggap ng Dalawang probinsya sa isinusulong na "BAGONG PILIPINAS" ni Pres. Ferdinand Marcos,Jr.
-