05/09/2020
FREE Online Consultation
Every Sunday
2:00pm-5:00pm
Magandang gabi po sa lahat. Para po sa mga gustong magpaconsulta ng libre, nagbigay na po ako ng oras kung kailan ako sasagot sa mga fb msg. Pasensya na din po kung matagal kong narereplyan ang iba, napaka dami pong nagpapa online consult hanggat maaari po gusto ko lahat kayong masagot. Paalala lang din po, katulad ng sinabi ko sa mga naunang post ko may limitasyon po ang online consultation wag po kayong magalit o mainis kung marami akong tanong at hingian ko kayo ng iba pang detalye, mga laboratory, at kung kinakailangan ay papuntahin ng personal sa doctor. Hindi po ako basta nagbibigay ng reseta. 👍
Ang online consultation ko po ay libre para sa lahat. Sagutan nyo lamang po ng tama ang Online consultation questionnaires.
Para sa emergency cases tulad ng biglang pagkawala ng malay, hirap sa paghinga, seizure, matinding pagsakit ng dibdib at ulo etc. maaari po lamang na dalahin nyo agad ang pasyente sa hospital or emergency room.
Ps. I dont entertain consultation thru phone call or text.