Tanza RHU - Rural Health Unit

Tanza RHU - Rural Health Unit Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tanza RHU - Rural Health Unit, Medical and health, Daang Amaya, Tanza.

13/01/2026
Handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, ang 2026 Operation Timbang (OPT) Plu...
08/01/2026

Handog ng Pamahalaang Bayan ng Tanza, sa pangunguna ni Mayor Archangelo “SM” Matro, ang 2026 Operation Timbang (OPT) Plus bilang bahagi ng programa para sa kalusugan at nutrisyon ng mga batang Tanzeño.

𝐀𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐓 𝐏𝐋𝐔𝐒?
Ang 𝙊𝙋𝙏 o 𝙊𝙥𝙚𝙧𝙖𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙏𝙞𝙢𝙗𝙖𝙣𝙜 (𝙊𝙋𝙏) 𝙋𝙡𝙪𝙨 ay taunang pagkuha ng timbang, taas o haba, at mid-upper arm circumference (MUAC) ng mga batang edad 0-59 months. Kasabay na din dito ang pamimigay ng libreng Vitamin A at Deworming tablet sa mga bata.

𝐏𝐀𝐑𝐀 𝐒𝐀𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐓 𝐏𝐋𝐔𝐒?
Isinasagawa ito upang mabilang ang lahat ng bata sa komunidad, makita ang mga malnourished, at magamit ang datos para sa pagpaplano ng programang pang nutrisyon.

𝐊𝐀𝐈𝐋𝐀𝐍 𝐈𝐒𝐈𝐍𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐓 𝐏𝐋𝐔𝐒?
Ang Operation Timbang Plus ay isinasagawa tuwing 𝙀𝙣𝙚𝙧𝙤 𝙝𝙖𝙣𝙜𝙜𝙖𝙣𝙜 𝙈𝙖𝙧𝙨𝙤.

𝐒𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐍𝐆 𝐍𝐀𝐆𝐒𝐀𝐒𝐀𝐆𝐀𝐖𝐀 𝐍𝐆 𝐎𝐏𝐓 𝐏𝐋𝐔𝐒?
Ang OPT Team ang nag-iikot sa bawat purok o bawat barangay. Kinabibilangan ito ng mga 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙉𝙪𝙩𝙧𝙞𝙩𝙞𝙤𝙣 𝙎𝙘𝙝𝙤𝙡𝙖𝙧 (𝘽𝙉𝙎), 𝘽𝙖𝙧𝙖𝙣𝙜𝙖𝙮 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝙒𝙤𝙧𝙠𝙚𝙧 (𝘽𝙃𝙒), 𝙈𝙞𝙙𝙬𝙞𝙛𝙚/ 𝙉𝙪𝙧𝙨𝙚, at iba pang kasapi ng barangay.

Kung sakaling tulog ang anak o wala sa bahay, maaring pumunta sa pinakamalapit na 𝙃𝙚𝙖𝙡𝙩𝙝 𝘾𝙚𝙣𝙩𝙚𝙧 para maipabilang pa din ang inyong anak sa OPT Plus.

Asahan na ang Pamahalaang Bayan ng Tanza ay patuloy na maghahatid ng serbisyong pangkalusugan para sa malusog at maunlad na kinabukasan ng kabataang Tanzeño.




07/01/2026
Alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, nagsagawa ang RHU ng Health Education patungkol sa Dengue sa mga ...
07/01/2026

Alinsunod sa direktiba ni Mayor Archangelo “SM” Matro, nagsagawa ang RHU ng Health Education patungkol sa Dengue sa mga Brgy. Officials bilang bahagi ng preventive measures laban sa dengue. Ito ay ginanap kahapon 1-6-2026 sa Tanza Convention.




31/12/2025
30/12/2025
29/12/2025

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐨 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐮𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧?
Kulang o kumpletong mga daliri?

Huwag Magpaputok! 🎇🎆
Gumamit ng alternatibong paingay at pailaw.

Manatiling Ligtas ngayong Bagong Taon!




26/12/2025

𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨 𝐦𝐨 𝐠𝐮𝐬𝐭𝐨𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐥𝐮𝐛𝐮𝐧𝐠𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐁𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐓𝐚𝐨𝐧?
May malabo o malinaw na mga mata?

Huwag Magpaputok! 🎇🎆
Gumamit ng alternatibong paingay at pailaw.

Manatiling Ligtas ngayong Bagong Taon!




24/12/2025

𝐃𝐎𝐇-𝐇𝐎! 𝐇𝐎! 𝟏 𝐃𝐀𝐘 𝐓𝐎 𝐆𝐎, 𝐋𝐢𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐂𝐡𝐫𝐢𝐬𝐭𝐦𝐚𝐬 𝐧𝐚!

Isang tulog na lang! Alagaan ang sarili para 100% kang healthy sa holiday celebration!

🍽️ Balanseng pagkain, alalahanin, para happy at healthy ang buong family!





Address

Daang Amaya
Tanza
4108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tanza RHU - Rural Health Unit posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram