14/08/2025
Sa darating na August 26, 2025 ang ating Bakuna Eskwela sa Capipisa Elementary School.
Umaasa po kameng lahat ng bata ay mabibigyan ng booster sa mga nasabing sakit.
Grade 1 Students - MR (Measles Rubella Vaccine) at TD (Tetanus Diphtheria Vaccine)
Grade 4 (Female Students) - 1st Dose of HPV (Human Papilloma Virus Vaccine) Schedule to be announce
Grade 5 (Female Students given 1st dose of HPV last year 2024) - 2nd Dose HPV (Priority)
Kung may mga katanungan at nais linawin ay maari po kayo magtungo sa ating Barangay Health Center.
Maraming Salamat po. ๐
Nagsimula na ang programang Bakuna Eskwela o School Based Immunization sa bayan ng Tanza na layuning mabigyan ng libreng bakuna laban sa Measles, Rubella, Tetanus, at Diphtheria ang mga mag-aaral sa Grade 1 at Grade 7. Para sa mga batang babae sa Grade 4, bibigyan naman sila ng Human Papillomavirus (HPV) Vaccine.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagsisikap ng lokal na pamahalaang bayan ng Tanza sa pangunguna ni Mayor Archangelo โSMโ Matro katuwang ang Rural Health Unit - Tanza upang mapabuti ang kalusugan ng mga kabataan at maiwasan ang mga seryosong sakit.
Gaganapin ang programang ito sa lahat ng pampublikong paaralan sa Tanza ngayong buwan ng Agosto.