27/06/2025
Hindi ito madalas napag-uusapan sa media, pero unti-unti na itong nararamdaman ng ating mga kababayan—lalo na ng mga susunod na henerasyon.
🏫 Una, ang classroom backlog.
Ayon sa huling tala, may kakulangan tayo ng humigit-kumulang 165,000 silid-aralan. Dahil dito, napipilitan ang maraming paaralan na mag-multiple shifts o gumamit ng alternative delivery modes.
Bukod pa rito, 30% lang ng school buildings natin ang nasa maayos na kondisyon.
📝 Pangalawa, ang mga hamon sa curriculum.
Karamihan sa mga Grade 3 students ay nahuhuli ng 1–2 taon sa curriculum expectations para sa foundational years of learning (Kinder to Grade 3). Ibig sabihin, ang isang Grade 4 student ay kadalasang Grade 2 o 3 pa lang ang actual competency.
📚 Pangatlo, ang kakulangan sa textbooks.
Sa ilalim ng MATATAG Curriculum (Grades 4 & 7), less than 50%—o 35 out of 90 textbook titles pa lang—ang nai-deliver sa public schools as of January 2025.
🥣 Pang-apat, ang nutrisyon.
Ayon sa report, 25% lang ng mga batang Pilipino ang nakakakuha ng sapat na energy intake kada araw.
Dahil dito, 1 sa bawat 4 na batang edad 5 pababa ay may stunted growth.
Paano ka makakapag-aral kung gutom ka?
Lahat ng ito ay ating tututukan at hahanapan ng solusyon sa pagbalik natin sa Senado.
🌐 At isa pang malaking hamon—ang internet access sa mga paaralan.
Bagamat naisulong na natin at naisabatas ang Free WiFi in Public Places Act noong 2018, malaking hamon pa rin sa ating mga estudyante ang access sa internet.
Isa sa mga probisyon ng batas na ito ay ang pagkakaroon ng internet sa public schools. Pero 7 years later, marami pa ring paaralan ang walang access.
Misyon nating tutukan ang implementasyon ng batas na ito—para matugunan ang pangangailangan ng bawat paaralan, g**o, at estudyanteng Pilipino. 🇵🇭
Mabibigat ang problemang ito.Kaya marami ang nagtatanong:
“Sen, kakayanin ba nating solusyunan ang mga ‘yan?”
Ang sagot ko:
“Mahirap, pero walang imposible sa ating sanay na sa mahihirap na laban.” 💪🏼