
12/01/2025
BAKIT MABABA ANG CREATININE?
Usually ang mga pasyente na hawak ko ay MATATAAS ANG CREATININE. Pero paano kapag MABABA? Ilan sa mga maaaring dahilan:
✅ MALNUTRITION - low muscle mass o payatot, less source of creatinine kasi konti ang muscle. Konti ang kinakain na karne so konti rin ang source ng creatinine
✅ LIVER DISEASE - liver produces CREATINE. Kung mababa ang creatine production, less ang nacoconvert into creatinine
✅ PREGNANCY - increased blood flow sa kidneys kapag buntis kaya mas mabilis malinis ang creatinine sa dugo.
✅ VEGETARIAN DIET - source ng creatinine sa dugo ang meat kaya pag hindi gaano kumakain ng karne, mababa ang creatinine
By itself, hindi delikado ang mababang creatinine. Pero sign ito na maaaring may iba pang sakit ang pasyente na kailangang pagtuunan ng pansin.