
22/07/2025
Maulang Umaga TSUians!
๐ฆ ๐ง GABAY SA LEPTOSPIROSIS ๐ง๐ฆ
Paalaala mula sa TSU Medical Unit
Ngayong tag-ulan, mas mataas ang panganib ng Leptospirosis โ isang sakit na dulot ng bacteria na Leptospira na makukuha sa contact sa baha o ihi ng daga at iba pang hayop.
๐ฉบ Mga Sintomas na Dapat Bantayan:
โ Lagnat
โ Mapulang mata
โ Hirap umihi
โ Masakit ang tiyan, kalamnan, at ulo
โ Mga Posibleng Komplikasyon:
โ Pagpalya ng kidney
โ Pagdurugo ng baga
โ Pagkamatay
๐ก Paano Maiiwasan:
๐ซ Iwasang lumusong o maglaro sa baha
๐ฅพ Magsuot ng bota o gloves tuwing tag-ulan
๐ Panatilihing malinis ang bahay at kapaligiran
๐ Kung hindi maiwasang lumusong sa baha:
Maaaring uminom ng Doxycycline bilang prophylaxis (gamot na pang-iwas) depende sa exposure. Kumonsulta muna sa inyong health care provider para sa tamang dosage.
๐ซ Paalala: Hindi pinapayagang uminom ng Doxycycline ang mga buntis, mga ina na nagpapadede, mga batang 8 taong gulang pababa, at mga may allergy sa gamot na ito.
Panghuling Paalala:
Ang kalusugan ay ating responsibilidad. Sa panahong madalas ang pag-ulan at pagbaha, huwag maging kampante. Simple lang ang mga hakbang upang makaiwas sa leptospirosis, pero malaki ang maitutulong nito para mapanatili ang ating kaligtasan.