27/12/2025
Thank you Nueva Ecija TV48 for the feature! ๐ฅฐ
Tarlac Med Cardiovascular Laboratory
๐๐ ๐๐๐ก๐ช๐ ๐๐๐๐! ๐๐
โ๏ธ(045) 809-0050 local 1000/ 0976 210 6181 / 0976 623 5093
๐ 8th Street, TDMC Hospital Drive, Fairlane Subd., San Vicente, Tarlac City
KASAYSAYAN NAITALA SA TARLAC: UNANG-UNANG BRAIN ANEURYSM COILING, MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA TARLAC
Isang makasaysayang tagumpay ang naganap sa Tarlac matapos matagumpay na maisagawa ang kauna-unahang brain aneurysm coiling procedure sa lungsod.
Ito ay isang makabagong gamutan sa utak na maaaring makapagliligtas ng buhay.
Ayon sa post ng Tarlac Medical Center, ang brain aneurysm ay parang umbok o lobo sa ugat ng utak na maaaring pumutok at magdulot ng matinding pinsala o kamatayan.
Sa brain aneurysm coiling, hindi na kailangang buksan ang ulo ng pasyente, sa halip, ang doktor ay maglalagay ng manipis na tubo sa ugat (mula sa singit o pulsuhan) papunta sa utak.
Doon, ilalagay ang maliliit na metal coils sa loob ng aneurysm upang harangan ang daloy ng dugo at maiwasan itong pumutok.
Dahil hindi ito nangangailangan ng pagbubukas ng bungo, ang pamamaraan ay may mas kaunting sakit, mas mababa ang panganib, at mas mabilis na paggaling kumpara sa tradisyunal na operasyon.
Ang matagumpay na operasyong ito ay nangangahulugang ang mga taga-Tarlac ay maaari nang makakuha ng advanced brain treatment nang hindi na kailangang bumiyahe sa malalayong ospital.
Patunay ang tagumpay na ito ng kanilang kakayahan na maghatid ng makabago at de-kalidad na serbisyong medikal para sa mga mamamayan ng lalawigan.
Isang ipinagmamalaking sandali para sa Tarlac at isang bagong pag-asa para sa kalusugan ng utak ng bawat Pilipino.
COURTESY: TARLAC MEDICAL CENTER