
08/08/2025
TATLONG ARAW NA CROWN MAINTENANCE VALIDATION VISIT NG NATIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM (NNET) SA LUNGSOD NG TAYABAS, NAGTAPOS NA.
Tatlong araw ang ginugol ng National Nutrition Evaluation Team sa katatapos na National Evaluation for 2nd Year Crown Maintenance ng Lungsod ng Tayabas na nagsimula noong Miyerkules, August 6 at nagtapos ngayong Biyernes, August 8, 2025.
Masiglang sinalubong ng T1k Coordinators at Barangay Nutrition Scholars ang mga kinatawan ng NATIONAL NUTRITION EVALUATION TEAM (NNET) na nagtanghal sa Atrium ng New Tayabas City Hall. Na agad na nasundan ng presentation of nutrition programs ng lungsod. Matapos nito ay nagtungo na ang team sa tanggapan ni Mayor Anthony Kuya Piwa Lim kung saan personal na nakadaupang-palad ang Punong Lungsod na nagpahayon ng patuloy na suporta sa mga programang pang-nutrisyon ng lungsod.
Kabilang sa ginawang table validation ang presentation and validation of 2024 accomplishments, and on-going plans and programs on nutrition ng lokal na pamahalaan.
Nang sumunod na araw ay nagsagawa naman ng site visit and evaluation sa Ecological Park – Sanitary Landfill, Barangay Health Station ng Ipilan at San Roque Zone-1, Tayabas Lactation Hub, NCDC at iba pang pasilidad na ginagamit sa pagpapanatili ng tamang nutrisyon.
Binisita din ang dalawang barangay na nagpapatupad ng “Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay” (HAPAG) na nakatanggap na rin ng pagkilala mula sa Department of Agriculture. Lubos ang pasasalamat ni Kapitan Randall Obdianela ng San Roque Zone-1 at Kapitan Rommel Lado ng Ipilan sa pagbisita ng mga kinatawan ng National Nutrition Council at NNC IV-A.
Umalalay naman ang mga tauhan ng Tayabas Culture and the Arts Office sa pagbisita sa Casa Communidad, Bandstand at Minor Basilica ni San Miguel Arkanghel.
Anhg huling araw ay ginugol sa presentation sa mga miyembro ng City Nutrition Council ng inisyal na resulta ng evaluation kung saan hiningan sila ng karagdagang opinion, pagpresenta ng karagdagang supporting documents at suhestiyon kung paano masasagot ang ilang requirements ng validation sa harap ng validation team.
Isinagawa ang evaluation upang matukoy kung kwalipikado ang Lungsod ng Tayabas na mapanatili ang Crown Award sa pangalawang taon.
Si Executive Assistant Reyn Santos, Jr. ang nagbahagi ng mensahe bilang kinatawan ni Mayor Anthony “Kuya Piwa” Lim kung saan sinigurado ng alkalde ang patuloy na pagpapalakas ng mga programang pang-nutrisyon at tatalima sa mga dapat gawin upang katulong ang lahat ng barangay na nasasakupan ng Lungsod. Ipinaabot rin niya ang lubos na pasasalamat sa mga kinatawan ng National Nutrition Council dahil naging maayos ang isinagawang validation.
Ang National Evaluation Team ay kinabibilangan nina NNC Nutrition Officer Jasmine Tandingan, Robi Angelo B. Ebbah, International Institute of Rural Reconstruction Representative Ma. Shiela Anunciado, RNPC Lourdes Orongan at NNC IV-A Nutrition Officer III Teresa Rivas.