Kita-kita San Jose City

Kita-kita San Jose City Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Kita-kita San Jose City, Barangay Kita-Kita, Tayabo.

29/11/2020

Fatty Liver: Alagaan Ang Iyong Atay
Payo na mula kay Doc Willie Ong

Ang fatty liver ay isang kondisyon kung saan nababalot ng taba ang atay. Kung may fatty liver ka, kadalasan ay mataas din ang iyong kolesterol sa dugo, blood sugar at uric acid. Malamang ay sobra ka din sa timbang at malaki ang tiyan.
Sa umpisa ay walang sintomas ang fatty liver. May ibang tao na sumasakit ang kanang bahagi ng tiyan. Ngunit kapag umabot sa liver cirrhosis ay malala na ito at magkakaroon na ng paninilaw ng mata, pamamayat, paglaki ng tiyan at pagmamanas ng paa.
Malalaman na may fatty liver ang pasyente sa pamamagitan ng Ultra*ound ng atay o Ultra*ound of the Whole Abdomen. Minsan ay lumalala ang fatty liver at umaabot sa pamamaga ng atay at liver cirrhosis.
Para maagapan ang fatty liver, sundin ang mga payong ito:
1. Itigil ang pag-inom ng alak. Kahit isang patak ng wine, beer or hard drinks ay huwag nang subukan pa. Ihinto na rin ang paninigarilyo.
2. Magpapayat kung sobra ka sa timbang. Kapag nagbawas ka ng timbang, puwedeng mabawasan din ang taba sa iyong atay.
3. Umiwas sa pagkain ng matataba (oily) at matatamis na pagkain. Limitahan ang pagkain ng cake, mantikilya, ice cream at karneng baboy at baka. Umiwas o bawasan na rin ang pag-inom ng matatamis na inumin tulad ng soft drinks at iced tea.
4. Kumain ng masustansyang pagkain tulad ng maberdeng gulay at isda. Puwedeng kumain ng prutas pero huwag din sosobrahan ito dahil ito’y matamis din.
5. Gumalaw-galaw at mag-ehersisyo. Kapag nabawasan ang taba sa iyong katawan, mababawasan din ang taba sa atay.
6. Kung ikaw ay may diabetes, gamutin ito sa tulong ng iyong doktor.
7. Kung mataas ang iyong kolesterol sa dugo, ibaba ito sa pamamagitan ng diyeta at gamot.
8. Kumain ng yogurt. Ayon sa isang pagsusuri, may tulong ang good bacteria ng yogurt sa paggamot sa fatty liver. Hindi pa ito tiyak pero pwede ninyong subukan.
9. Huwag basta-bastang uminom ng kahit anong tableta, supplements o vitamins. Huwag maniwala sa mga sabi-sabi. Itanong muna sa iyong doktor kung makasasama ba ito sa atay.

Sadyang dyeta, exercise at paggamot sa diabetes at mataas na kolesterol ang lunas sa fatty liver. Alagaan natin ang ating atay.

29/11/2020

Natural Na Panlaban Sa Hika (Asthma)
Payo ni Doc Willie Ong

Heto ang mga kaalamang natutunan ko tungkol sa hika. Puwede ninyo itong subukan.
1. Damihan ang sibuyas at bawang sa inyong pagkain. Ang mga ito ay may quercetin at mustard oil na pangontra sa enzyme na nagpapasimula ng asthma.
2. Ang pagkain ng maaanghang, tulad ng sili, ay nagpapaluwag sa daanan ng hangin sa baga. Ito ay may capsaicin na ‘mukokinetic’ na nagpapaluwag ng plema sa baga.
3. Kapag inaatake ng hika, subukan uminom ng matapang na kape – black coffee. Ang caffeine ay parang gamot na theophylline na nagbubuka ng mga tubo sa baga.
4. Kumain ng mga isda na mataas sa omega-3 fatty acids, tulad ng sardinas, tunsoy, tamban, alumahan, hasa-hasa, tuna at tanigui para makaiwas sa asthma.
5. Uminom ng Vitamin C tablet 500 mg kada araw o uminom ng calamansi juice.
6. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 5 beses bawat linggo. Subukan mag-baras at palakasin ang mga bra*o, dibdib at likod para lumakas ang iyong pag-hinga.

Iwasan po ang mga ito:
1. Ang soft drinks ay nakakapagsimula ng hika, lalo na sa mga bata.
2. Ang vetsin din ay masama sa may hika. Mas maraming vetsin, mas malala ang atake.
3. Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.
4. Huwag kumain ng pagkaing nagpapakabag tulad ng beans, kasi lolobo at magkakaroon ng hangin sa tiyan. Baka mahirapan huminga.
5. Iwas sa polusyon sa hangin. Ayon sa isang pagsusuri ni Dr Gerard Hoek ng Netherlands, ang mga taong nakatira sa tabi ng mga highways o yung mga exposed sa polusyon ay mas maaga namamatay kumpara sa taong malinis ang nalalanghap na hangin. Umiwas sa maduduming hangin at lugar. Puwedeng magsuot ng mask para mabawasan ang usok. Good luck po.

29/11/2020

Buhok: Bakit Manipis at Nalagas
Payo ni Doc Willie Ong

Ang mga parte ng buhok ay ang sumusunod:
1. Ang hair follicle ang nagpapalusog sa buhok at dito tumutubo ang buhok.
2. Ang hair shaft o mismong buhok ay mula sa matigas na protina na ang tawag ay “keratin”.
3. Ang hair root o ugat ang siyang nagpapahaba sa buhok ng mga kalahating pulgada kada buwan.

Mayroong proseso ng paglago o growth cycle ang buhok. Ang unang stage ay active growth na inaabot ng taon. Ang resting phase ay mula 3 to 6 na buwan kung saan ang follicle ay naka-relax lang ang hawak sa hair shaft o buhok, dito mabilis mahulog and buhok. Tapos babalik na ulit sa growing phase ang buhok. Pero sabay-sabay ito nangyayari, depende sa edad ng buhok.
Sa anit ng ulo o scalp ay mas madaling humaba ang mga buhok. Sa ibang lugar tulad ng kilay at kili-kili ay mas matagal ang paghaba ng buhok.
Alam niyo ba na 100,000 hangang 150,000 buhok ang nasa anit. Ang10 - 20% nito ay nasa resting phase at puwedeng mahulog, kaya nga 50-100 buhok ang puwede nahuhulog araw-araw. Normal lang ito.

Pagnipis ng Buhok:
Ang isang dahilan kung bakit nahuhulog ang buhok ay ang pagbabago ng hormones. Ang receding hairline ay maaaring unti-unti o mabilis. Mayroon ding male pattern ng pagnipis ng buhok dahil sa lahi o namamana kaya tingnan ang mga kaanak.
Mayroon ding female pattern ng pagnipis ng buhok kung saan numinipis lang ang buhok pero hindi umuurong. Dahil sa pabago-bago ng hormones kaya nahuhulog ang buhok 3 buwan pagkapanganak. Ang iba pang sanhi ay menopause, pagtigil ng birth control pills sa loob ng 1-3 buwan, pag-edad, mga stress tulad ng namatayan, naaksidente, problema, pagod at sakit tulad ng sa thyroid.
Ang iba pang sanhi ay ang kakulangan sa nutrisyon, kulang sa protina, laging gutom o nagdi-diyeta.
Para malaman kung hindi normal ang hairfall ay kumuha ng magnifying glass at tingnan ang mga buhok. Pag nabali o hair shaft breakage ang dahilan ay mayroon pwedeng gawin tulad ng pagiging gentle o maingat sa buhok, bawasan ang sobrang pag-brush, pag-shampoo o pagtali. Huwag ipa-masahe ang anit dahil baka mabali ang buhok. Wala munang kemikal tulad ng hair dyes, bleaching, pang-kulot o pang-unat. Pwede gumamit ng mga protein conditioners at cream rinse.
Pangalagaan and hair roots o ugat sa pamamagitan ng pag-iwas sa braid at mahigpit na ponytail. Iwas din sa maiinit na rollers.
Kapag patse-patse ang pagkakalbo ay dahil sa sakit sa balat o fungal infection tulad Ringworm. Ang ringworm ay isang fungal infection, korteng bilog ang pagkahulog ng buhok, mapula ang balat, nagbabalat, at makati. Madalas ito sa mga bata, galing sa alagang a*o, pusa o kalaro. Pumunta sa dermatologist para bigyan ng anti-fungal cream tulad ng ketoconazole.
Mayroon ding Trichotillomania (hair pulling disorder) kung saan naging ugali na laging hinihila o binubunot ang buhok o iniikot ng mga bata.

29/11/2020

Simpleng Sintomas, Pero Senyales ng Sakit! (Part 1)
Payo ni Doc Willie Ong

May mga nararamdaman ang pasyente na akala natin ay normal lang, pero masama na pala ito. Huwag baliwalain ang mga sintomas na ito:
• Nagbago ang nunal – Posibleng kanser sa balat o melanoma. Ang nunal na hindi pantay-pantay ang gilid at hugis ay dapat ipasuri. Lalu na kung nagbago ang anyo nito, naging mas-maumbok o lumaki ito. Pumunta sa isang dermatologist. Delikado ang melanoma. Mabilis itong kumalat at nak**amatay ito.
• Namumula ang palad – Posibleng nasisira ang atay (liver cirrhosis) o kanser sa atay. Isang senyales ng sakit sa atay ang pamumula ng palad na kung tawagin ay palmar erythema. Kapag malala na ang sakit sa atay, puwede maging madilaw ang pasyente at may panginginig din ng k**ay.
• Nagbago ang ugali – Posibleng kanser sa utak, kombulsiyon o Alzheimer’s disease. Hindi lahat ng tumor sa utak ay nagdudulot ng sakit ng ulo. May mga tumor sa harapan (frontal lobe) ng utak na ang unang sintomas ay ang pagbabago ng ugali.
Ang Temporal Lobe Epilepsy ay isang kakaibang sakit na kombulsyon kung saan hindi nawawalan ng malay ang pasyente. Puwedeng makaranas lang siya ng matinding emosyon o may nakikita o naaamoy na wala naman talaga (hallucinations). Ang iba naman ay may paulit-ulit na ginagawa sa kanilang mukha, bibig o isang parte ng katawan. Parang abnormal kung tingnan. Hindi alam ng ibang nakakakita, kombulsyon na pala iyon.
• Laging naiinitan, laging pinapawisan at kumakabog ang dibdib – Ito ang mga sintomas ng goiter o hyperthyroidism. Kailangan ipa-check ang thyroid para magamot ito ng maaga. Delikado ito kapag pinabayaan.
• Namamaos – Posibleng kanser sa lalamunan. Ang pangkaraniwang dahilan ng pamamaos ay ang sobrang pagkanta, pagtalumpati, o pag-sermon sa asawa. Kapag hindi ito umigi ng 2 linggo, kailangan magpa-check sa isang ENT specialist para masuri ang vocal cords.
• Bukol sa katawan – Karamihan ng bukol sa katawan ay dahil sa lipoma o iyung taba lamang. Hindi po ito delikado. Pero posible din na may masasamang bukol. Halimbawa, ang bukol sa suso ay puwedeng kanser. Ganoon din ang mga bukol sa thyroid at sa gilid ng leeg. Maaaring kulani ito dulot ng impeksiyon o tuberculosis sa baga. Ipasuri ito sa doktor para malaman kung okay lang ito.
• Namamayat – Baka kanser na pala. Kahit anong pamamayat ng walang dahilan ay dapat imbestigahan. Kapag pumayat ng 10 pounds at hindi naman nag-di-diyeta, magpa-check up. Ang iba pang sintomas ng kanser ay ang pamumutla at panghihina ng katawan. Kung may duda kayo sa inyong katawan, kumonsulta sa doktor.

29/11/2020

Pasa sa Katawan: Masama Ba Ito?
Payo ni Doc Willie Ong

Karaniwang Dahilan ng Pag-pasa (Bruises):
1. Manipis ang Balat.
Ang pasa ay nangyayari kapag ang mga daluyan ng dugo sa ilalim ng balat ay nabugbog o tumama ito kaya maaaring magdugo sa ilalim ng balat, Kung ang balat ay nawala ang collagen dahil sa epekto ng pag-tanda, ito ay mas madaling mapinsala.

2. Laging naarawan.
Ang balat na napinsala ng UV rays ng araw at nawawalan ng buhay at katatagan. Kaya mas madali o mas kapansin-pansin ang pasa.

3.May iniinom na gamot.
Ang aspirin, steroid, at blood thinner ay maaaring magpabagal sa pagbuo ng dugo (blood clotting). Kaya kapag tumama ang tuhod sa k**a, maaaring magkaroon ng mas malaking pagdurugo sa ilalim ng balat o magka-pasa.

4. Pagbuhat ng mabigat
Minsan ang pagbubuhat at pag-aangat ng may puwersa ay nagdudulot ng pagkasira ng fibers sa balat. Ito ang nagdudulot ng pagpasa.

5. Namana sa magulang.
May tao na mas madaling magpasa. Kung ang mga magulang lalo na ang iyong ina ay nagkakaroon ng pasa sa walang kadahilanan, malamang ito rin ay iyong namana sa kanya.

6. Maputi ang balat.
Kung maputi at maputla ang iyong balat, mas madali makita ang mga pasa kaysa sa mas maitim ang balat. Pareho din ang laki ng pasa pero mas pansinin lang sa mapuputi.

7. May seryosong sakit.
Ito ay bihira lang, ngunit kung minsan ang pagpapasa ay maaaring maging tanda ng sari-saring blood clotting disorder at leukemia. Kumonsulta sa iyong doktor para maka-siguro.

8. Abuso sa bahay.
I-konsidera din ang pang-aabuso sa tahanan kung nakakakita ka ng madalas na pasa sa iyong kaibigan.

Kumonsulta sa doktor kung may ganito:
1. Malalaking pasa, lalo na kung lumitaw ito sa iyong balakang, likod at mukha.
2. Biglaang pagpasa ng magsimulang uminom ng gamot.
3. History sa pamilya na madaling magka-pasa

Mga dapat gawin: Karamihan sa pasa ay kusang nawawala. Ang paggaling lang ay mas matagal habang nagkaka-edad. Maaaring makatulong ang pagtaas sa may apektadong lugar at pag-lagay ng yelo.

29/11/2020

Mabahong Hininga sa Umaga (Morning Bad Breath)
Payo ni Doc Willie Ong

Ang bibig ay naglalaman ng napakaraming bilang ng bakterya. Maaaring mayroong 80-100 na bilang ng iba't ibang uri ng mikrobyo sa bibig ng mga tao.
Ang laway ay nag-aalis ng mga particle ng pagkain sa bibig. Ang kaunting produksyon ng laway ay isang dahilan para ang bakterya ay dumami at makagawa sulfur compounds (VSCs) na dahilan para bumaho ang hininga.
Ang iyong laway ay may dalawang tungkulin. Una, ay naghuhugas ng bakterya at pangalawa, naglalaman ng antibodies at iba pang kemikal – lactoferrin, na pinipigilan ang pagdami ng mga bakterya.
Kaya sa gabi, mas kaunti ang laway sa bibig at nanunuyo, kaya ang mga mikrobyo ay mas dumami sa gabi.
Ang paraan ng pagtulog ay pwede din makaapekto sa mabahong hininga sa umaga. Ang pag-hilik o paghinga sa bibig sa gabi ay nakakadagdag ng posibilidad ng mabahong hininga. Karamihan sa mga mouth breathers ay natutulog na bukas ang bibig, nagiging dahilan para ang bibig ay manuyo at lalo pang dumami ang bakterya.
Ang iba pang sanhi ng masamang hininga ay ang sirang ngipin, namamagang galagid at kulang sa pag-sipilyo.

Tips para mabawasan ang mabahong hininga sa umaga.
Gawin ito bago matulog:
1. Mag-sipilyo
2. Mag-flossing
3. Pag-linis ng iyong dila gamit ang tongue cleaner o toothbrush.
Ito ay tumutulong sa paglilinis ng bibig at pag-alis ng mga particle ng pagkain upang ang bakterya ay hindi dumami.

17/11/2020
17/11/2020
17/11/2020
17/11/2020

Nahihiya man, natutuwa naman si PNP chief Debold Sinas na dinedepensahan siya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa mga kritiko sa kabila ng mga kontrobersiyang kinahaharap n'ya, kabilang na ang mañanita nito kahit ipinagbabawal dahil sa safety protocols.

Abangan ang iba pang mga detalye sa news.abs-cbn.com.

24/08/2020

Mga kabarangay post lang natin d2 kahit na anong update or info about sa barangay natin para ma inform ung mga taga rito at pati na yung mga wala dito at nasa ibang mga lugar..about covid,agriculture etc...lalo na yung mga bagong info about ordinance kung meron..tnx..

06/04/2020

After the coronavirus enters the host cell, it begins making copies of itself. The host cell then undergoes a process called apoptosis, or programmed cell death, allowing millions of copies of the virus to be released. The host cell breaks down and dies and the new viral particles go on to infect new healthy cells.

In some cases, viruses produce proteins called “inhibitors”, which prevent the host cell from dying. This allows the virus to maximize the use of the host cell and make as many copies as possible before destroying it.

In other cases, the host cell captures a small fragment of the virus and sends it to the surface. The fragment is presented on the surface of the cell like a flag. It alerts nearby immune cells that the host cell has been compromised and that here is a virus at work inside. The immune cells then rush into the infected cell to screen it. If it turns out that the virus is indeed inside, they begin to destroy it, thus preventing more cells from getting infected by the virus.

Address

Barangay Kita-Kita
Tayabo
3121

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kita-kita San Jose City posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share