03/05/2021
PAYONG MEDIKAL- SIGARILYO
ANG MASAMANG EPEKTO NG SIGARILYO SA KATAWAN
Magandang araw mga Kaibigan! Alam ba ninyo na may 17.3 MILLION na tao sa Pilipinas na Naninigarilyo? Sa post na ito, ipapaliwanag ko kung ano ang mga masamang epekto ng Sigarilyo sa katawan. Dapat hindi ito binabalewala dahil seryoso ang mga sakit na nakukuha dito.
Circulation
Tuwing nagsisigarilyo ka, pumapasok ang toxins ng sigarilyo sa dugo na
Pinapakapal ang dugo - minsan nagdudulot ito ng blood clot)
Pinapataas ang blood pressure at heart rate mo- na pinapahirapan magfunction ang puso ng maayos.
Pinapanipis nito ang ating Arteries- na binabawasan ang dugo na mayaman sa oxygen na magcirculate sa ating organs
Kapag pinagsama itong lahat, ang mga pagbabago na ito ay nagdudulot ng paninipis sa arteries at namumuo ng mga clots, na pwedeng magdulot ng atake sa puso o stroke.
Puso
Ang Paninigarilyo ay sinisira ang puso at ang pagdaloy ng dugo. Tinataasan ang tyansang magkaroon ng coronary heart disease, atake sa puso, stoke, sirang blood vessels, at cerebrovascular disease (pagkasira ng arteries na nagsusupply ng dugo sa utak)
Ang Carbon Dioxide na mula sa usok at ni****ne ay pinapabilis ang pagbomba ng puso ng dugo.
Sa Katunayan, dumo-doble ang tyansa mong magkaroon ng Atake sa Puso at Coronary Heart Disease kung ikaw ay nagsisigarilyo.
Tiyan
Ang Paninigarilyo ay pinatataas ang tyansang magkaroon ka ng Kanser sa Tiyan at Ulcer. Ang Sigarilyo ay pwedeng pahinain ang kalamnan na nagkokontrol sa ating Oesophagus at hinahayaan ang asido na mula sa tiyan na pumunta sa mga ibang organs.
Balat
Ang Paninigarilyo ay binabawasan ang dami ng oxygen na pumupunta sa ating Balat. Kaya kapag ikaw ay nagsisigarilyo, mas madaling kumulubot ang iyong balat. Ang toxins din sa katawan ay nagdudulot ng Cellulites.
Buto,
Ang Paninigrailyo ay pwedeng magdulot ng Panghihina ng mga Buto at Osteoporosis. Dapat mas magingat ang mga babae dahil mas karaniwan ang pagkakaroon ng Osteoporosis sa kanila.
Utak
Ang Paninigarilyo ay pinapataas ang tyansang magkaroon ka ng brain aneurysm. Ito ay ang paglolobo ng blood vessels dahil sa humihinang pader nito. Pwede ka rin magkaroon ng Subarachnoid Haemorrhage, isang uri ng stoke. Ito ay napaka-seryosong pagkasira ng utak na nakakamatay.
Baga
Masama ang dinudulot ng Paninigarilyo sa Baga mo. Umpisa palang ang ubo, lagnat, wheezing at asthma pero ito ay nagdudulot ng mas malalang mga sakit katulad ng pneumonia, emphysema, COPD at Kanser sa Baga.
Bibig at Dila
Ang Paninigarilyo ay nagdudulot ng mabahong hininga at naninilaw na ngipin, pwede rin ito magdulot ng sakit sa gilagid at sirain ang iyong “sense of taste”
Nakakataas din ito ng tyansa na ikaw ay magkaroon ng kanser sa labi, dila, lalamunan, voice box at sa oesophagus.
Reproduksyon at Fertility
Para sa mga Lalaki, nakakabaog ang Paninigarilyo dahil sinisira nito ang blood vessels na nagssupply ng dugo sa iyong ari. Pwede rin nito babaan ang iyong s***m count at magdulot ng testicular kanser.
Para naman sa mga Babae, ang Paninigarilyo ay binabawasan ang iyong Fertility. Ito rin ay pinapataas ang tyansa na ikaw ay magkaroon ng Cervical Kanser.
Ang mga taong naninigrilyo ay mas mahina ang resistensya laban sa HPV impeksyon, na pwedeng magdulot ng Kanser.
Para sa mga Buntis, pwede ito magdulot ng miscarriage, premature birth, at mga iba pang sakit.
Salamat po sa kaalaman Dr Adam of Payong Medikal :)