Taytay Social Hygiene Clinic

Taytay Social Hygiene Clinic The official page of Taytay Social Hygiene Clinic.

Taytay Social Hygiene Clinic is a Public health care facility that offers free and confidential services for the testing and treatment of STIs.

Sa panahon ngayon ugaliing ingatan ang sarili, may label man o wala.Para mas makasigurado, bumisita sa Taytay Social Hyg...
16/01/2026

Sa panahon ngayon ugaliing ingatan ang sarili, may label man o wala.

Para mas makasigurado, bumisita sa Taytay Social Hygiene Clinic.

✅ LIBRE ang condoms (may iba’t ibang variants at flavors na available)
✅ 100% LIBRE rin ang HIV testing

Mas panatag kapag protektado ka at may sapat kang kaalaman tungkol sa iyong kalusugan.

Ishare mo naman 'to para mas marami pa ang maabot at matulungan.❤️

Maligayang Bagong Taon, Taytay! 🎆Sama-sama nating salubungin ang bagong taon na may malasakit sa kalusugan at kapwa. Nar...
01/01/2026

Maligayang Bagong Taon, Taytay! 🎆

Sama-sama nating salubungin ang bagong taon na may malasakit sa kalusugan at kapwa. Narito ang Taytay Social Hygiene Clinic upang patuloy na magbigay-serbisyo sa inyo.

Maligayang Pasko mula sa Taytay Social Hygiene Clinic 🎄Nawa’y mapuno ng kalusugan, pag-asa, at kapayapaan ang bawat taha...
25/12/2025

Maligayang Pasko mula sa Taytay Social Hygiene Clinic 🎄

Nawa’y mapuno ng kalusugan, pag-asa, at kapayapaan ang bawat tahanan ngayong kapaskuhan. Patuloy kaming naglilingkod para sa inyong kaligtasan at kapakanan.

Hindi lang ito paggunita ito din ay pagkilos. Sa pagdiriwang ng World AIDS Day sa buwang ito, nagsagawa ang Taytay Socia...
23/12/2025

Hindi lang ito paggunita ito din ay pagkilos. Sa pagdiriwang ng World AIDS Day sa buwang ito, nagsagawa ang Taytay Social Hygiene Clinic ng HIV testing bilang paalala na ang kaalaman at maagang pagpapasuri ay susi sa isang ligtas at malusog na komunidad.

Habang papalapit ang pagtatapos ng taon, ito na ang tamang panahon para unahin ang sarili at ang kalusugan. Bago matapos ang taon, magpa-test. Maging mulat. Maging responsable.
Sama-sama nating wakasan ang stigma at palakasin ang pag-asa.

❗️❗️📢 ANNOUNCEMENT 📢❗️❗️Please be advised that Taytay Social Hygiene Clinic will be CLOSED on the following dates:Closed...
23/12/2025

❗️❗️📢 ANNOUNCEMENT 📢❗️❗️

Please be advised that Taytay Social Hygiene Clinic will be CLOSED on the following dates:

Closed on Dec 24–25, 27–31, 2025 and Jan 1–4, 2026

OPEN on Dec 26
Regular services resume on Jan 5, 2026

Thank you for your understanding. We wish everyone a safe and happy holiday season! 🎄✨

Nag-enjoy ang community sa Singing Idol: Floodway Edition 2025, at syempre tuloy pa rin ang HIV testing at awareness kas...
09/12/2025

Nag-enjoy ang community sa Singing Idol: Floodway Edition 2025, at syempre tuloy pa rin ang HIV testing at awareness kasama ang Taytay Social Hygiene Clinic. Music, people, at health in one place. ❤️

Kung di ka pa nagpapa-test, punta ka lang sa clinic namin, libre lang at confidential ang HIV testing.

Your health, your choice. 💛

Ending stigma starts with awareness... HIV cannot be transmitted through casual contact like:❌Paghawak, yakap, beso, mak...
18/11/2025

Ending stigma starts with awareness...

HIV cannot be transmitted through casual contact like:

❌Paghawak, yakap, beso, makipagkamay
❌Pag-share ng pagkain o inumin
❌Ubo o sipon
❌Paggamit ng same CR, swimming pool, or chairs
❌Mosquito or insect bites
❌Laway, luha, pawis.
❌Pag-share ng damit, tuwalya, utensils.

Gusto mo pa ba ng more info? Tara visit ka sa'min dito sa Taytay Social Hygiene Clinic 😊

ANNOUNCEMENT📌📌📌In observance of All Saints’ Day, Taytay Social Hygiene Clinic will be CLOSED tomorrow October 31. Regula...
30/10/2025

ANNOUNCEMENT📌📌📌In observance of All Saints’ Day, Taytay Social Hygiene Clinic will be CLOSED tomorrow October 31. Regular operations resume November 3.

Para sa inyo. Dahil sa inyo.Salamat sa pagtitiwala sa Taytay Social Hygiene Clinic at sa pagkilala na ginawad ng DOH Cal...
28/10/2025

Para sa inyo. Dahil sa inyo.

Salamat sa pagtitiwala sa Taytay Social Hygiene Clinic at sa pagkilala na ginawad ng DOH Calabarzon HIV, AIDS, and STI Prevention and Control Program bilang "Patient-Centered Dispensing Award - Top Performing Facility (50-200 Client Category)" October 28, 2025.

Para sa inyo na nagpakatatag kahit mahirap.
Para sa inyo na pumiling magpatuloy kahit puno ng takot.
Para sa inyo na nagtiwala kahit maraming dahilan para mangamba.

Hindi kami ang bayani dito.

KAYO ang tunay na nagtagumpay – sa bawat appointment na pinuntahan ninyo, sa bawat tanong na tinanong ninyo, sa bawat araw na pinili ninyong lumaban.

Ang Patient-Centered Dispensing Award na ito ay salamin ng inyong tapang. Dahil "patient-centered" means KAYO ang nasa gitna. Ang inyong needs. Ang inyong dignity. Ang inyong kinabukasan.

Salamat sa pagbibigay-halaga sa inyong sarili. Salamat sa pagtitiwala na deserve ninyo ng quality care. Salamat sa pagpili na maging bahagi ng community na naniniwalang, walang taong hindi karapat-dapat sa dignidad at pag-asa.

Patuloy ninyong tandaan: Ang inyong buhay ay mahalaga. Ang inyong kwento ay importante. At lagi kayong may lugar dito na walang panghuhusga, ngunit may pagmamalasakit.

Tuloy ang laban. Tuloy ang malasakit.

Thank you for calling Taytay Social Hygiene Clinic, how may we protect you today? 😉Big shoutout to the Qmunity of Quantr...
21/10/2025

Thank you for calling Taytay Social Hygiene Clinic, how may we protect you today? 😉

Big shoutout to the Qmunity of Quantrics for saying YES to self-care and awareness! You're doing amazing, fam! ❤️

Para sa mga Bayaning Puyat, Taytay Social Hygiene Clinic is your safe space!

Tara na, let's make testing the new normal!

100% Free HIV Testing and 100% confidential!💯

Wala kasi yung graphic designer namin kaya ayan… mano-mano muna tayo sa drawing 😅 Pero seryoso, ang HIV test, hindi kail...
15/10/2025

Wala kasi yung graphic designer namin kaya ayan… mano-mano muna tayo sa drawing 😅 Pero seryoso, ang HIV test, hindi kailangang i-drawing. Kaya visit ka na dito sa Taytay Social Hygiene Clinic :)

It's Free and confidential😉

Salamat, Daehan College! Last October 10, bumisita kami sa Daehan College para sa HIV Testing and Awareness program, at ...
14/10/2025

Salamat, Daehan College!

Last October 10, bumisita kami sa Daehan College para sa HIV Testing and Awareness program, at sobrang overwhelmed kami sa response ng mga students!

Nakita namin yung genuine interest nila na matuto at magpa-test and willingness na maging aware sa kanilang health status.

Yun yung gusto namin makita yungmga kabataan na hindi takot magtanong, matuto at kumilos para sa sariling kalusugan.

Maraming salamat sa administration at sa lahat ng students na nag-participate.

This is exactly why we do what we do, to make HIV testing accessible, stigma-free, and part of normal health care.

Let's keep this conversation going. Ang kaalaman ay sandata, ang pagpapatest ay proteksyon.


For more info about our services, bisita lang kayo sa clinic or message us anytime. :)

Address

Taytay

Opening Hours

Monday 8am - 2pm
Tuesday 8am - 2pm
Wednesday 8am - 2pm
Thursday 8am - 2pm
Friday 8am - 2pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Taytay Social Hygiene Clinic posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Taytay Social Hygiene Clinic:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram