22/06/2024
Ngayong Tag- ulan Mag ingat po tayo sa kagat ng lamok 🙏 Isang paalala. Ating alamin ang Kaalaman tungkol sa lamok na nakakapag dala ng sakit sa ating kalusugan . Ang mga lamok ay malimit na itinuturing na tagapagdala ng sakit, ngunit alam niyo ba na hindi lahat ng lamok ay may ganitong kakayahan? Sa katunayan, mayroong humigit kumulang na 3,700 uri ng lamok sa buong mundo, at Iilan lamang sa mga ito ang itinuturing na vector o may kakayahan na magdala ng sakit sa pamamagitan ng pagkagat.
Ang mga sakit kagaya ng dengue, malaria, filariasis at Japanese encephalitis ay karaniwang naipapasa habang kumakagat ang lamok sa taong may virus (dengue, chikungunya, Zika, o Japanese encephalitis) o parasite (malaria o filariasis) at naisasalin ang mga ito ng lamok sa ibang tao.
Ngayong , ating alamin sa mga imahe sa baba ang mga uri ng lamok na maaaring magdala ng sakit!