05/05/2025
Tuloy-tuloy lang tayo! ❤️
NAGKAKAISANG TINIG. NAGKAKAISANG DIWA. NAGKAKAISANG BAYAN NG TAYTAY.
Taytayeño, ito na ang panahon para ipakita ang solidong pagkakaisa at ang lakas ng mamamayang hindi kailanman matitinag!
Hindi lang ito isang pagtitipon, ito ay pagtitipon ng lakas ng pwersa ng Urban Poor Sector at ng sambayanang Taytay na handang tumindig para sa kinabukasan!
Inaanyayahan ang lahat sa Nagkakaisang Taytay People’s Rally, bukas Mayo 7, 2025 | 6:00 PM sa C6 Road, Brgy. Sta. Ana (Tianggesitas).
Magsama-sama tayo sa isang gabi ng paninindigan, mensahe ng pag-asa, at sigaw ng tunay na pagbabago.