25/11/2025
πππβ πΎππ» ππ ππ πβπΌ πβππΌ πΎππ»
Lessons from the Life of Elijah
1 Mga Hari 18:1-40
38 Noon diβy nagpababa ng apoy si Yahweh at tinupok ang handog, ang kahoy at ang mga bato at lupa sa paligid. Pati ang tubig sa kanal ay natuyo.
39 Nang makita ng mga tao ang nangyari, nagpatirapa sila at sumigaw, βSi Yahweh ang Diyos! Si Yahweh lang ang Diyos!β
LESSONS/REFLECTIONS
Pakibasa po ng buo ang 1 Mga Hari chapter 18 upang maunawaan natin ang pinag-uusapan.
1. πͺπππ‘ ππ‘ π§ππ π¦π§ππ§π π’π ππππ₯ ππ‘π ππ’π¨ππ§, π¦π§πππ πππ’π’π¦π π§π’ ππ’ π§ππ π₯ππππ§ π§πππ‘π (π.13-16)
Noong inutusan ni Elias si Obadias na sabihin ay Haring Ahab na nakita niya ito, kahit na alam ni Obadias na maari siyang patayin ni Ahab, dahil sinabi ni Elias na βSaksi si Yahwehβ¦β ay ginawa niya ito. At dito nag-umpisa ang mga susunod na himala na ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Elias o Elijah.
Application: Kahit nag-aalangan tayo, kahit may katotohanan sa ating mga pangamba, kapag Diyos na ang nagsabi, sa pamamagitan ng kanyang lingkod, maniwala at sumunod lang po tayo. Dahil may plano ang Diyos, instrumento tayo sa kasatuparan ng mga ito.
2. π ππ¦π¨π‘πππ₯π¦π§π’π’π πππππ¨π¦π π’π π’π§πππ₯ π£ππ’π£ππβπ¦ π¦πππ-πππ‘π§ππ₯πππ‘ππ¦π¦ (π.17-18)
In verse 17, noon nagkita sina King Ahab at Elijah (o Elias), sinabihan niya ito ng βIkaw nga ba iyan, ang nanggugulo sa Israelβ. Ngunit ang katotohanan, ang pamilya ni Ahab ang nanggugulo at sila ang sumusuway sa mga utos ni Yahweh at sumasamba sa dios-diosan na si Baal.
Application : May mga pagkakataon po talaga, na we meant good, but people will still see you as the doing the bad thing. Yung tipong βikaw na nga ang gumagawa ng paraan at mabuti, ikaw pa ang masamaβ. Na sa mata ng taong sariling kapakanan lang at kagustuhan ang nais, nais pa niyang sumpain, patayin na tila kriminal ang nais tumulong.
Me, myself, and I principle. My way, my values, my reality, my etc.
3. πππππ‘π¦π§ πππ π’πππ¦, π¦π§ππ‘π πππ₯π ππ‘ π¬π’π¨π₯ ππππ§π (v. 19)
Sinabi ni Elias na tipunin ang buong Israel, 450 propeta ni Baal at 400 propeta ni Ashera. 850 propeta ng false gods against Elijah. At hinamon niya ang 450 propeta ni Baal.
Application : Kung tayo kaya si Elias, panghihinaan nga ba tayo ng loob dahil iisa lang tayong ipinaglalaban ang tunay na Diyos? Huwag po nating kalilimutan na DIYOS ang kakampi natin at hindi dios-diosan lamang na wala naman talagang tunay na kapangyarihan. If we have GOD ON OUR SIDE, WE (ALONG WITH GOD) ARE THE MAJORITY kahit iisang tao lang tayo. Remember, in the spiritual realm, in the unseen realm God has His warrior angels ready to be dispatched for us. Hindi nag-atubili o nag-alinlangan si Elias dahil alam niya kakampi niya ang Diyos, at sigurado siyang totoo at makapangyarihan ang Diyos na sinasamba niya.
Kaya, magiging buong-buo lang talaga ang faith ng isang tao kung kilala niyang tunay ang Diyos na sinasamba niya.
4. π§ππ π’π‘π π§π₯π¨π ππ’π ππππππ¦ π§ππ π¦ππππ‘π§ππππ πππͺπ¦ π’π π‘ππ§π¨π₯π ππ‘π π ππ§π§ππ₯ (π.30-38)
Kahit anong gawin ng mga propeta ni Baal, walang nangyari. Bakit? Dahil dios-diosan lang naman si Baal. Imahinasyon lang naman ng mga tao at ng mga propeta ang pagkakaroon nito ng kapangyarihan. They believed, but never saw π
Ngunit si Elias, pinabasa pa niya husto ng tubig ang handog na toro, at kahoy (3 beses niya pinabuhusan) hanggang umagos sa paligid ng altar. Na kung tutuusin, hindi mapapaapoy ng kahit sino mang tao ang tubig. Wala yun sa science. Pwede umapoy kung gas ang ibinuhos, ngunit tubig iyon.
Pangalawa, saan manggagaling ang apoy? Kung may maghahagis ng posporo, o nag-aapoy na kahoy. Ngunit basang-basa ang handog at paligid nito imposible.
Ngunit, pagkatapos magdasal ni Elias, nagpapababa ng apoy si Yahweh mula sa langit, at natupok ang lahat kahit basang-basa ang mga ito.
Ibig sabihin, kapag kapangyarihan na ng Diyos ang pinag-uusapan, kahit created pa tayo in Godβs own image and likeness, hindi pa rin kayang abutin ng karunungan ng tao ang kapangyarihan ng Diyos. Kahit sino pang great scientist ay never niyang maipapaliwanag ang mga ito dahil God operates beyond science and physical realm.
Application : Kung nais nating maghimala ang Diyos sa buhay natin, huwag tayong mag-rationalize, huwag tayong maghanap ng explanation. Dahil kung gagawin natin ito, we will never believe and step in faith. Kapag sinabi ng Dios na tumayo ka, kahit pilay ka, βtayoβ!. Kapag sinabi ng Diyos na magaling ka na, umakto ka na magaling ka na. Kapag sinabi ng Diyos na pagyayamanin ka Niya (dahil may great purpose Siya), manampalataya ka kahit wala kang maisip na paraan kung paano. Hindi abot ng isip ng tao ang kayang gawin ng Diyos para sa atin. Kaya ang tanging role lang natin is, BELIEVE, TRUST AND THEN OBEY.
5. π§π’ π¦ππ ππ¦ π§π’ ππππππ©π? π’π₯ ππππππ©π πππ₯π¦π§ π§πππ‘ π¬π’π¨ πͺπππ π¦ππ? (v. 39-40)
Pagkatapos ng nangyari, doon pa lang naniwala ang mga mamayan ng Israel. Doon pa lang nirecognize na si Yahweh ang tunay na Diyos.
Application : Ang tao madalas, βto see is to believeβ. Patunayan mo muna sa akin bago ako maniniwala. Yes, siguro dito sa mundo, magandang prinsipyo iyan dahil sa dami ng scammers, mag-ingat tayong mabuti. Wisdom pa rin iyan.
Ngunit, kapag galing sa Lord, lalo na marami ng patunay mula sa Bibliya na totoo ang Diyos natin at makapangyarihan at kayang maghimala para sa atin, na kaya Niyang magbago ng buhay (tulad kay Moses, Noah, Joseph, Gideon, Caleb, etc), dapat ay BELIEVE FIRST THEN WE WILL SEE. Kung tutuusin we have already SEEN them through our studying in the Bible. Inilatag na ng Diyos ang lahat, maniniwala na lang tayo. The problem is, kulang pa rin tayo sa tiwala.
Kung nagdududa tayo, balik lang tayo sa mga Salita ng Diyos upang lumakas ang ating faith.
To be continued
11-25-25