13/08/2021
Para sa mga kaibigan, hindi kaibigan, kakilala, hindi masyadong kakilala, kapamilya, hindi kapamiya. Para pala sa lahat para madali 🙂 Pakibasa na lang po at salamat.
Sadyang napakahirap gawin ang mag kumbinse ka ng ibang tao para maniwala sa iyo, pero tinatanggap ko ang challenge.
Mahirap din magsulat ng pangkumbinsi hindi mo alam ang mga tamang salita na dapat mong sabihin, para mapaniwala mo ang ibang tao.
Pero sige subukan lang natin, umpisihan ko sa tanong na “Bakit yung mga mayayaman na tao patuloy at tuloy tuloy lang ang pagyaman?” Nagagamit kasi nila yung kapangyarihan ng salitang “LEVERAGING” napaparami nila ang kanilang sarili. Hindi ito yung magic na dumadami yung tao o nahahati nila yung katawan nila, ang ibig sabihin marami ang nagtatrabaho o tumutulong para yumaman sila.
Ang pinakasimpleng halimbawa nito ay yung mga empleyado ng SM, di ba kaya patuloy pagyaman nung may ari ng SM kasi dahil sa mga nagtatrabaho sa kanila, at kapalit nito yung arawang sweldo ng empleyado at siguro yung mga dagdag na ilang benepisyo. Yayaman ba ang may-ari ng SM kung wala ang mga ordinaryong empleyado na nagtatrabaho sa kanila? Ang tanong, yumayaman din ba yung empleyado?
Ang leveraging, pwede rin nating gayahin yung ginagawa ng mayayaman, bilang isang ordinaryong tao. Dito pumapasok yung “MULTI-LEVEL MARKETING” o sikat sa tawag na “NETWORKING”. Marami kasi ang hindi naiintidihan ang bagay na ito, kaya pag nadinig nila ang salitang networking? big “NO” agad sila, kasi iniisip agad natin ayaw ko mangulit o mamilit ng mga kaibigan at kakilala ko para lang sumali sa networking ko. Minsan hindi mo sila masisi kasi yung ibang nag aalok nito ay masyadong niyayabangan ng husto ang presentation, at yung iba ay talagang namimilit pa para lang sumali ka. Unang una hindi naman pilitan ito, kung sino lang yung may hangarin na medyo mag-iba ang buhay kumpara sa buhay sa ngayon at naniniwala sa kanyang kakayanan na kaya niyang mabago ang kanyang buhay pinansyal sa pamamagitan ng pagsisikap at kaunting puhunan.
Ang concept ng Multi-Level Marketing” ay sa paggamit ng “CHISMIS” sa positibong paraan. Kapag kumain ka sa isang restaurant at nasarapan ka at kinuwento mo sa mga kaibigan mo at pinagmalaki mo yung restaurant, chinismis mo yun ng positibo at yun ay isang simpleng paraan ng advertising at pagdumami ang customer dun papasok yung leveraging. Ang tanong binayaran ka ba ng restaurant na pinagyabang mo na masarap ang luto nila, wala lang di ba at hindi ka man lang ilibre sa susunod na pagkain mo sa kanila so wala kang benefits, wala kang kita😊
Ngayon, naniniwala ka ba na pwede kang kumita habang na magchichismis ka lamang? Dyan papasok yung multi-level marketing (MLM). Kapag sumali ka sa isang company or grupo na nago offer ng MLM, dyan ka pwedeng kumita sa talent mo ng pagchichismis sa mga kaibigan at kakilala mo, kasi ikaw yung advertiser nila para marami ang makaalam at tumangkilik ng produkto at lumago ang negosyo nila. At kaya ka naman humahanap ng kasapi, para sumali at tulungan ka sa pagchichismis ay para maparami mo ang sarili mo, at hindi lang ikaw ang mag-isang magpapakahirap na magchismis para mas lumaki ang iyong kita.
Lahat ng tao, mahirap o mayaman bumibili tayo ng ibat-ibang produkto araw-araw, example na dito ang pagbili natin ng mga gamot at kung ano-ano pa sa malalaking botika. Ang tanong, may kita ka ba o binabayaran ka ba ng nasabing botika habang tinatangkilik mo ang kanilang mga paninda? Sa MLM, kapag tinangkilik mo ang produkto ng kumpanya, ikaw ay automatic na magiging kasosyo na ng nasabing kumpanya, magkakaroon ka ng kita habang binibili mo o tinatangkilik mo at ng mga kasama mo yung produkto nila. Mapapansin mo, ang mga MLM company ay hindi gumagamit ng advertising sa TV na milyon milyon ang gastos at mga sikat na artista at model lang ang yumaman, bakit? Kasi sa halip na gastusin nila yung milyon milyon pera, ibinabahagi nila ito sa mga tao na tumutulong para lumago ang kanilang negosyo. So ano ang mangyayari sa iyo, kapag marami na ang bumibili dahil sa chismis na kinalat mo? Di ba, mas malaking kita ng kumpanya at mas malaki rin ang iyong kita? Totoo ito, at nangyayari at marami naman talaga na ang gumanda ang buhay dahil sa MLM, yung iba nga lang nasosobrahan sa presentation at para yabang na lamang, kaya’t minsan mahirap talagang paniwalaan.
At syempre sa pagpasok sa MLM negosyo ay may kaunting puhunan, wala namang negosyo na pwede mong gawin ng libre at walang puhunan at hindi ka magpapakahirap, kung may ganun e di mayaman na ang lahat ng tao.
Ganito kasi ang mindset karamihan sa ating mga pinoy, mas gusto natin magtrabaho ng sweduhan lang kesa sa magnegosyo, marahil siguro yun nga iniisip lagi natin wala naman akong pera para mag negosyo. Pero subukan natin, kapag may nag offer sa atin ng trabaho sa ibang bansa, at alam natin na may malaking placement fee at kahit alam na natin kung gaano kahirap ang trabaho na ating papasukin, siguradong dahil sa kagustuhan natin na makapag apply ay gagawa tayo ng paraan para magkapera na pangbayad sa placement fee, nakakalungkot may mga naloloko pa ng mga illegal recruiters. Kung sana siguro, sa pagdating ng oportunidad na negosyo na maliit lang ang puhunan, ganyan din sana ang mindset natin, siguro marami na ang uunlad ang buhay at hindi nananatili sa kahirapan, lalo na ngayon na panahon ng pandemya.
Ako ay kasalukuyang nagtatrabaho sa Japan, masasabi kong okay naman ang kita ko, pero bakit ako nagbubukas ng isip at sumasali pa sa MLM, kasi importante yung may iba kang pagkakakitaan na pwede kong gawin sa oras na hindi ako nagtatrabaho o kahit natutulog ako may nagtatrabaho para kumita ako, at pwede kong gawin sa pakikipag usap sa internet kahit nasaan pa ako. Kaya yun kung nabasa mo ito at binasa mo ng maige, at kung medyo naging interesado ka sa mga sinasabi ko, at open minded ka mag comment ka lang at ipapaliwanag ko sa iyo ng mabuti kahit hindi tayo magkakilala wag ka mahiya kakausapin kita ng maayos, may mga kasama ako na mas maipapaliwanag sa iyo, sila yung mga katulong ko sa pagtatrabaho, kasi ayaw ko nga magtrabaho ng mag-isa. Malay mo ito pala ang swerte natin 😊
Basta tandaan lang natin, lahat ng bagay na gusto natin pagkakitaan, kailangan din natin paghirapan. Kung nag-iisip kang magnegosyo at nahihirapan ka kung anong negosyo ang papasukin mo, ito na yun, try din natin, kasi nakakaya naman ng iba.
Ang puhunan mo dito, yung bayad mo sa produkto na matatanggap mo, magagamit mo ito sa kalusugan mo, kaya wala kang lugi, hindi mo kailangan magbenta, bumili ka tapos gamitin mo, yung gusto ng mas okay na kita nagbebenta, pero bonus na lang yung kita.
Good luck and God bless sa lahat ng nakakabasa.