Municipal Health Office - Tiaong, Quezon

Municipal Health Office - Tiaong, Quezon Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Municipal Health Office - Tiaong, Quezon, Healthcare administrator, Don V. Robles Street , Barangay Poblacion III, Tiaong.

ACTIVE CASE FINDING- FREE MOBILE CHEST XRAYSa tulong at suporta ng ating Punong Bayan,  Mayor Vincent Arjay M. Mea at sa...
18/08/2025

ACTIVE CASE FINDING- FREE MOBILE CHEST XRAY

Sa tulong at suporta ng ating Punong Bayan, Mayor Vincent Arjay M. Mea at sa aming Municipal Health Officer Dr. Elizalde N. Bercero Jr. MD, MPH muling matagumpay na naisagawa ang libreng mobile CHEST XRAY katuwang ang CULION FOUNDATION sa mga sumusunod na magkakahiwalay na barangay.

April 24, 2025- Brgy San Agustin Covered Court

June 18, 2025- Brgy Bulakin Covered Court

August 13, 2025 - Brgy Lusacan Covered Court

August 14, 2025- Brgy Paiisa Covered Court

May kabuuang 667 indibidwal edad 15 pataas ang sumailalim sa libreng CHEST XRAY.

Ang programang ito ay pinaigting at ito ay may layuning mahanap ang mga pasyenteng may Tuberkulosis upang sila ay agarang magamot sapagkat hanggang sa kasalukuyan ang Pilipinas ay nanatiling isa sa Top 10 na pinakamadaming naitalang may ka*o ng naturang sakit sa buong mundo.




Tiaong Public Information Office

ADOLESCENT HEALTH  &  DEVELOPMENT PROGRAMTeenage Pregnancy Symposium 2025Sa tulong at suporta ng ating Punong Bayan,  Ma...
08/08/2025

ADOLESCENT HEALTH & DEVELOPMENT PROGRAM

Teenage Pregnancy Symposium 2025

Sa tulong at suporta ng ating Punong Bayan, Mayor Vincent Arjay M. Mea at sa aming Municipal Health Officer Dr. Elizalde N. Bercero Jr. MD, MPH , matagumpay na isinagawa ang Teenage Pregnancy Symposium sa mga sumusunod na Paaralan at piling mag aaral ng Grade 10 na pinangunahan ng ating Adolescent Health & Development Program Focal Person,
Nina Joy U. Sarmiento, RN bilang ating Resource speaker.

August 4, 2025 Paiisa National High School ( 100 Grade 10 students)
Cabay National High School (100 Grade 10 students)

August 5, 2025 Lusacan National High School (100 Grade10students)

August 8, 2025 Lalig National High School (100 Grade 10 students)
Recto Memorial National High School (100 Grade 10 students)

Layunin ng Teenage Pregnancy Symposium ang magbigay-kaalaman sa mga kabataan tungkol sa maagang pagbubuntis, hikayatin ang bukas na talakayan ukol sa reproductive health, palakasin ang kamalayan sa kahalagahan ng edukasyon at tamang pagpapasya, at magbigay ng access sa suporta at serbisyong pangkalusugan mula sa komunidad.

Taos-pusong pasasalamat sa mga paaralan, G**o, District 1 and District 2 nurses at mga RHU staff/ DOH nurses na nakasama natin lalo’t higit sa mga mag aaral na aktibong nakiisa sa ating programa.



Tiaong Public Information Office

📣‼️Tuloy ang Serbisyo ng Tiaong RHU sa panahon ng Bagyo ❤️Tuloy tuloy ang pagbibigay serbisyo ng mga kawani ng Tanggapan...
24/07/2025

📣‼️Tuloy ang Serbisyo ng Tiaong RHU sa panahon ng Bagyo ❤️

Tuloy tuloy ang pagbibigay serbisyo ng mga kawani ng Tanggapan ng Pambayang Kalusugan upang mas maging bukas ang pasilidad para sa mga kababayang nangangailangan ng atensyong medikal, lalo na sa panahon ng bagyo.

Bumisita din ang buong team ng Tiaong RHU, sa pangunguna ni Dr. Elizalde N. Bercero Jr - Municipal Health Officer, kasama si Dr. Karina Nicole Almase (Medical
officer), mga Nurses, Midwives, Sanitation Inspectors at iba pang Health Staff, para macheck ang estado ng kalusugan at nutrisyon at mabigyan ng gamot at vitamins ang mga kababayan na kasalukuyang nasa Evacuation Centers, bilang suporta sa direktiba ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor RJ Mea, upang mas maging ligtas at mapanatili ang kalusugan ng bawat mamamayan lalo na sa panahon ng bagyo.

/TiaongMHO



Tiaong Public Information Office

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospi...
24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







17/07/2025
14/07/2025

Tiaong MHO Midyear Accomplishment Report
January - June 2025 ❤️

Maligayang pagbati po sa lahat!Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping BLOOD DONATION ACTIVITY🩸 🩸 🩸📌 PETSA :  June 25, ...
23/06/2025

Maligayang pagbati po sa lahat!

Inaanyayahan po namin kayo sa gaganaping BLOOD DONATION ACTIVITY🩸 🩸 🩸

📌 PETSA : June 25, 2025 (Miyerkules)
📌 ORAS : 8:00am- 12:00pm
📌 SAAN : Municipal Health Office (Don V. Robles st. poblacion 3, Tiaong, Quezon)

Ano ano ang mga benepisyo sa pag dodonate ng dugo:
✅Nababawasan ang risk ng pagkakaroon ng sakit sa puso.
✅Nagpapaganda ng daloy ng dugo sa katawan.
✅Nagpapataas ng produksyon ng dugo.

Mga Kailangang TANDAAN o PAALALA sa mga magdodonate ng dugo :

✅ Maayos ang kalusugan at pakiramdam (walang trangka*o, malubhang ubo o sipon)
✅ May Sapat na TIMBANG na hindi bababa sa 50kgs.
✅ Meron Sapat na tulog (6-8hours). IWASAN ANG PUYAT
✅ Uminom ng maraming tubig.

❌ Walang ALCOHOL intake (Alak) sa nakalipas na 12 oras.
❌ Bawal o hanggat maaari ay iwasan muna ang caffeinated products tulad ng Kape, Tea at Softdrinks bago kuhanan ng dugo.
❌ Iwasan ang paninigarilyo ilang oras bago ang donasyon.

Para sa may mga TATTOO, body piercing (butas sa tenga o katawan)
✅ Dapat ito ay may ISANG TAON na ang nakalipas.

🩺 Meron DOCTOR na titingin at magsasagawa ng PHYSICAL ASSESSMENT at INTERVIEW kung maaari kayong magdonate o hindi.

Makiisa at makibahagi sa isang makabuluhang gawain upang makatulong magdugtong ng buhay.

"Donate blood, save lives. Your little act of kindness can give someone the gift of life."

BE A HERO! BE A DONOR!

🐶✨ PAPAWRMAHAN NG BESPREN NI JUAN! ✨🐾Ihanda na ang inyong mga cute at stylish na alagang a*o! Sama-sama tayong magsaya s...
18/06/2025

🐶✨ PAPAWRMAHAN NG BESPREN NI JUAN! ✨🐾
Ihanda na ang inyong mga cute at stylish na alagang a*o! Sama-sama tayong magsaya sa Dog Fashion Show ngayong Hunyo 23, 7:00 AM sa Festival Stage (Tiaong Municipal Hall Grounds) ng BAYANIJUAN Festival 2025! 🎉🩵

Para makapagpalista, pumunta lamang sa Municipal Agriculturist from 8:00 AM to 5:00 PM. Hanapin lamang si Agricultural Technologist Christian Arellano.

Ipakita ang pawshionista side ni Bespren at manalo ng papremyo! 🎁🐕

Tiaong, Quezon — PuroKalusugan Launching Site!Ang Bayan ng Tiaong ay isa sa mga napiling lugar sa Quezon para sa PuroKal...
12/06/2025

Tiaong, Quezon — PuroKalusugan Launching Site!

Ang Bayan ng Tiaong ay isa sa mga napiling lugar sa Quezon para sa PuroKalusugan launch noong Hunyo 11, 2025 sa Tiaong Convention Center, sa pangunguna ng DOH CaLaBaRZon Family Health Cluster.

Sa tulong ng Tiaong Municipal Health Office, Mayor Vincent RJ Mea, Vice Mayor Dick Umali, mga SB Members, at iba’t ibang lokal na opisyal at departamento, matagumpay na naihatid ang mga libreng serbisyong medikal tulad ng:

🔹 Eye Check-up
🔹 Chest X-ray
🔹 Urinalysis
🔹 Blood Sugar Testing & PhilPEN Risk Assessment
🔹 Bakuna (PPV, HPV, BCG)
🔹 Family Planning (Implant, Pills)
🔹 Cancer Screening (Cervical & Breast)
🔹 HIV Testing
🔹 Oral Health Services
🔹 Nutrition Services
🔹 Youth & Mental Health
🔹 Safe Motherhood Kits & Services

Ang PuroKalusugan ay bahagi ng DOH 8-Point Agenda na layuning mailapit ang ligtas at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad.

Dumalo sa programa sina Mayor Vincent RJ Mea, Vice Dick Umali, Konsehala Maja Escueta, at mga kinatawan mula sa DOH at CHD IV-A bilang suporta sa kalusugan ng bawat Tiaongin.


Address

Don V. Robles Street , Barangay Poblacion III
Tiaong
4325

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Municipal Health Office - Tiaong, Quezon posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Municipal Health Office - Tiaong, Quezon:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram