18/01/2025
๐๐ก๐ ๐ฅ๐๐๐๐๐ฆ ๐๐ฌ ๐ก๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ง๐๐ฌ!!!
โผ๏ธ PAUNAWAโผ๏ธ
Ang video ay ginawa para sa pampublikong kaalaman ukol sa Rabies at tiyak na mayroong pahintulot ang mga personalidad na naitampok sa naturang video.
โผ๏ธโผ๏ธ
Makikita sa video ang isang kawani ng R2TMC Hospital Epidemiology and Surveillance Unit habang sinusuri ang isang pasyenteng nagpamalas ng sintomas ng rabies sa tao. Ang pasyente ay taga Nueva Vizcaya at iniulat na kinagat ng a*o noong September 2024. Hindi siya nagpakonsulta sa alinmang medikal na pasilidad. Bagkus ay kinuskus niya ng bawang ang kanyang sugat. Kalaunan, di umanoโy kinatay nila ang kumagat na a*o at pinagsaluhan kasama ang mga kaibigan.
ANG PASYENTE AY BINAWIAN NG BUHAY SA AMING PASILIDAD KAHAPON, JANUARY 16, 2025, 6:30PM, DAHIL SA RABIES.
๐๐ป๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฑ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ ๐ด๐ฎ๐๐ถ๐ป ๐ฝ๐ฎ๐ด ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐น๐บ๐ผ๐ ๐ผ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฎ๐๐ผ ๐ผ ๐ฝ๐๐๐ฎ?
Kung kayo ay nakagat o nakalmot ng a*o o pusa, agad na hugasan ang sugat gamit ang sabon at malinis na tubig sa loob ng 10-15 minuto.
Pagkatapos, pumunta agad sa pinakamalapit na Animal Bite Center upang masuri ng doctor kung kailangan mong mabakunahan o hindi. Ang rekomendasyon ng doktor ay depende sa ilang mga bagay, tulad ng kanilang pagsusuri sa sugat at kung ang a*o ay may bakuna.
Obserbahan ang a*o o pusang kumagat. Pag ito ay tumamlay, nagkasakit o namatay sa kahit anong dahilan sa loob ng dalawang linggo, dalhin ang ulo ng a*o o pusa sa Provincial Veterinary Office upang masuri kung ito ay may rabies o wala.
Huwag papatayin o kakatayin ang a*o o pusa dahil wala ka nang oobserbahan at hindi na magiging tiyak ang kahihinatnan nito (kung tatamlay, magkakasakit, o mamamatay).
Kapag ang a*o o pusa ay masigla hanggang ikalawang lingo mula nang ikaw ay kinagat o kinalmot nito ay nangangahulugang wala itong rabies.