
02/11/2024
Paalala muli sa mga patuloy na dadalaw sa sementeryo ngayong araw.
✔️Magbaon ng sapat na tubig at pagkain, at magdala ng jacket, pamaypay at payong laban sa init at ulan.
✔️Magbaon rin ng facemask lalo na kung maraming tao para iwas sa nakahahawang sakit.
✔️Huwag kalimutang mag-WASH o’Clock! Ugaliing maghugas ng kamay gamit ang sabon o tubig. Kung wala nito, gumamit ng alcohol.
✔️Limitahan din ang oras ng pagbisita upang maiwasan ang siksikan.
Gawing ligtas angUndas dahil Bawat Buhay Mahalaga!