A&B ped parts

A&B ped parts We are selling gas operated scooter spare parts

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasama...
30/06/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 10.. sa pagpapatuloy ng PEDserye na malugod ko laging ibinabahagi sa mga kasamahan na nakasubaybay simula sa aking pag uumpisa hangang sa kasalukuyan. Ang bahagi ng istoryang ito ay isa sa mahalaga at malaking parte ng aking buhay PED. Dahil sa pagkakataon na ito ay naka tagpo at nakakilala ako ng isang tao na lubos ang aking pasasalamat dahil sa kanyang mga naibahagi at naituro tungkol sa pag troubleshoot at basic butingting. Una ko siyang nakahalobilo bilang customer na nagiinquire ng gulong, not knowing na yun pala ang magiging simula ng aming samahan. Noong panahon na yun ay naka duty ako sa quiapo hidalgo at siya naman at may shop at opisina na malapit lang din. Hangang sa unti unti ay nagkakasama kami sa mga ride ng Tondoped at doon ay naging malapit kami lalo sa isat isa. To cut the long story short, minsan nagka problema ako sa aking unit, nagsabi siya na kung may panahon ako ay dumaan ako sa kanyang shop upang matignan at masuri kung anung naging problema. Doon ay laking gulat ko na isa pala na legit at well experienced mechanic itong si sir. Siya nga pala si Sir Ramon ng RAMZY Scootwerkz . Napaka low key, tahimik, mahilig mag observe pero ubod ng lawak ng kaalaman tungkol sa mga makina at iba pang bagay. Isa ako sa mapalad na mga piling tao na kanyang inanyaya sa kanyang lugar. Bihira lang kasi siya tumangap ng gawa at bisita dahil libangan lang talaga ito para sa kanya dahil marami din siyang inaasikasong bagay sa kanilang negosyo. Sa kanya ko naranasan na habang ginagawa ang bagay ay pinapaliwanag niya ito kung bakit at paano, may mga pagkakataon pa na sayo niya ipapagawa at naka masid lang siya, In short masipag siyang gumabay at magturo kaya nga noong una ay master ang naging tawag ko sa kanya. Siya din ang utak at punong abala sa aming naging project 3wheel ped or triped. Kung ano ang aking nalalaman at natutuhan sa ped ay utang ko ito sa kanya. Sa ganyan kami nagsimula kasama pa ang isa din na gustong matuto na si Jay, hangang naisipan namin na pangalanan yung aming munting grupo .... itutuloy

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨Push ko lang ulit yung mga available items natin, baka may kailangan kayo pm lang po. Mga nasa pics l...
21/06/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
Push ko lang ulit yung mga available items natin, baka may kailangan kayo pm lang po.
Mga nasa pics lang po ang meron, kapag wala po dyan wala po talaga yun πŸ˜… huwag nyo na hanapin

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨HAPPY FATHER'S DAY po sa lahat ng matitikas na haligi ng tahanan πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ Napaka palad nating mga suportad...
16/06/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
HAPPY FATHER'S DAY po sa lahat ng matitikas na haligi ng tahanan πŸ’ͺπŸ’ͺπŸ’ͺ Napaka palad nating mga suportado ng ating mga mahal sa buhay pag dating sa ating libangan, bonus pa nga at kasakasama ko pa sila minsan sa mga byahe.
Ride safe always everyone πŸ‘Š

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 9.. dahil nga noong mga panahon na yon eh patuloy yung pagtaas ng demand sa amin ...
20/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 9.. dahil nga noong mga panahon na yon eh patuloy yung pagtaas ng demand sa amin ng CHENG SHIN TIRE or CST dual sport size 4 tire, mula sa kinukuhanan namin na tindahan ng FORD CASTER sa Tomas Mapua St Sta Cruz Manila, sinubukan na namin mag angkat sa ibang bansa para sana mas kumita kami since madami naman na yung volume ng order na kailangan namin ma meet. Noong una nag focus lang kami sa Tire at interior, kapag may ibang item na hinahanap sa amin na wala kami ibinabato namin sa shop ni Sir Ariel ng Giftwillsent shop or sa may Road Runner Malate Manila. Hangang sa paunti unti sinubukan namin mag carry na ng mga madalas ng hanapin din sa amin gaya ng clutch, spark plug, air filters at mga pull start. Tapos niyan nadagdagan na ng nadagdagan yung mga spare parts na naiaalok namin sa page at sa mga groups. Maipagmamalaki ko talaga na isa kami sa nauna na mag benta na ang presyo eh malapit sa katotohanan, yung hindi pikit mata bibili sayo ang customer dahil ang hapdi sa mata ng presyuhan. Well kasi nga unang una eh wala naman kaming physical store, tapos since may regular naman akong trabaho, hindi ko kailangan ng sobrang laking tubo para sa mga naging paninda namin, makakuha lang ng konti eh sapat na, SA TOTOO LANG NAGING ADHIKAIN KO NUNG UNA EH MAGKAROON NG OPTION ANG MGA CONSUMER NA MAKAKUHA NG MAAYOS NA PYESA SA PRESYONG KAYANG KAYA NILA. SABI KO NGA BALANG ARAW MAY SASABAY SA AKIN AT SANA MAY MGA GUMAYA NA PANG MASA ANG PRESYO. hindi para maging competition sa iba bagkus eh para maging batayan ng presyuhan na makatotohanan. Noong bago kasi ako isa ako sa mga kamot ulo na bumibili ng kailangan kong spare parts wala eh limitado pa kasi ang supply dati kaya ganun. Kaya sa tuwing may nakikita kami na dumidikit sa presyo namin, may pumapantay pa nga kung minsan, eh tuwang tuwa kami kasi hindi naman kami natatalo sa sitwasyon na yan, ang totoong PANALO diyan eh kayong mga magiging mamimili. Which is ayan naman talaga ang gusto naming mangyari ang bumaba ang presyo ng inyong pagpipiliang mga tindahan base sa kailangan niyong pyesa. Kahit hindi kami yung mabilhan ninyo ang importante nakakatulong kami sa mga grupo at sa lahat ng baguhan na magkaroon ng basehan ng presyo, yung magka idea kayo na puede palang ganito puede palang ganyan. Mas magiging abot kaya para sa lahat. Habang patuloy kami sa pag dagdag ng items sa mga inaalok naming brand new spare parts, unti unti may mga nakikilala din tayong kasamahan na magiging solidong parte at kasama sa ating libangan ... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Today's drop off sa mga humabol na order ng velocity stack at 49cc pull start, isa sa Pasig at isa s...
18/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Today's drop off sa mga humabol na order ng velocity stack at 49cc pull start, isa sa Pasig at isa sa Taguig. Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta sa amin, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Drop off para sa order ng mga metro manila pips (taguig, pasig, makati, quezon city, mandaluyong at ...
14/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Drop off para sa order ng mga metro manila pips (taguig, pasig, makati, quezon city, mandaluyong at valenzuela) mga ayaw na magpabangit at parang bawal yata pangalanan πŸ˜… oks lang yan mga sir your secret is safe with us. Big thanks po sa inyong tiwala sa ating mga 49cc 2t pull start na pang laspagan, mura na eh quality pa, maging ang velo stack ay halos paubos na dahil napakyaw. Habol pa hangat may onhand pa po tayo, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨Share ko lang ride ko last April 7, 2024 Sunday sa Kaybiang Tunnel tapos dagat miming sa baba.ZIP sc...
11/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄πŸ’¨
Share ko lang ride ko last April 7, 2024 Sunday sa Kaybiang Tunnel tapos dagat miming sa baba.
ZIP scooter; 71cc 2t engine; Stock Carb; DirectDrive 7t/54t t8f bigchain gearing; size 4 wheelset; mechanical brake caliper.
height is 5'10 weight is 188lbs, basic πŸ‘ŒπŸ˜Ž

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta sa amin πŸ™ sa mga kaPEDs natin sa Luzon ...
09/04/2024

Good day kaPEDs πŸ˜ŠπŸ›΄πŸ’¨
Maraming salamat po sa inyong walang sawang tiwala at suporta sa amin πŸ™ sa mga kaPEDs natin sa Luzon Visayas at Mindanao, ang inyong patuloy na pag tangkilik sa aming mga produkto at pakikiisa sa aming mga post ang lagi naming motivation at inspiration, ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 7.. at habang patuloy akong nag eenjoy sa aking Ped ay patuloy din akong napapa...
06/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 7.. at habang patuloy akong nag eenjoy sa aking Ped ay patuloy din akong napapahanga nito. biruin mo ba naman na para sa simpleng pang service ko lang pamasok eh naging libangan ko na ngayon pang rides rides kapag off ako sa trabaho. ayan nga at isa ako sa mapalad na napabilang sa mga ped rider na ma-feature sa 2 kilalang newspaper na Philippine Star at Manila Bulletin nang minsan na magkaroon ng colab ride ang mga grupo, isa naman talaga kasi ang Ped na inasahan bilang pang service ng mga kagaya ko, noong panahon ng lockdown gawa ng pandemic. at maging hangang ngayon ito pa din ang choice of transportation ko. wala eh masaya talaga ako kapag gamit ko ito. at sa pamamagitan ng pagsali ko sa group mas lumawak yung network ko sa ped community. mula sa mga idolo na owner ng mga high end unit gaya ng go-ped na us brand na ka presyo na ng mga motorsiklo at 4 wheels na sasakyan, isama mo pa yung mga naka evo uber scoot at zip na mid range price, at siyempe ang pang masa na abot kayang china ped, idagdag pa natin yung mga customized na gawang pinoy na kayang sumabay sa porma ng mga branded. literal na nagsasama sama at sabay sabay nag eenjoy tuwing may group rides regardless sa klase ng unit na gamit ng bawat rider. ibang iba sa pakiramdam, malaya na para bang ibon na unang beses makalipad sa himpapawid. ganito yata talaga kapag nahumaling ka at nag eenjoy sa napili mong libangan. service sa work ng monday to saturday at libangan naman kapag sunday off sa work, ayan naging routine ko. tuloy tuloy pa din sa pag dami ang mga nagiging kakilala sa personal at maging sa online, balitaan ng mga latest sa ped community, upgrades, parts for sale, parts for trade or barter, at kung anuano pa basta tungkol sa ped. hangang minsan may kaibigan tayo mula sa province na hindi pa makadayo sa maynila gawa pa din ng lockdown, nakisuyo ng kailangan niyang piyesa, nakiusap na kung puede tulungan ko siya since ako ang nandito sa malapit sa mga bilihan, na siyang magiging simula ng isa pang kabanata ng aking ped journey at nag bukas ng oportunidad ..... itutuloy

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ Habol na ng order habang may iilan pang natitirang stocks, salamat at ride safe always 🀘
04/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
Habol na ng order habang may iilan pang natitirang stocks, salamat at ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ Break muna sa PEDserye natin πŸ˜… mag shout out muna at magpasalamat ako sa mga nakaraang customer, n...
02/04/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
Break muna sa PEDserye natin πŸ˜… mag shout out muna at magpasalamat ako sa mga nakaraang customer, naipon na kayo para i post, kagaya nitong order na Velocity Stack ni Sir Nelson ng Las Pinas City via Shopee. Ride safe always 🀘

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨ β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 6.. aba iba talaga ang dating sakin nitong PED lalo ngayon na may grupo na ako ...
30/03/2024

Good day kaPEDs 😊 πŸ›΄ πŸ’¨
β˜οΈπŸ˜‰ Long Post PART 6.. aba iba talaga ang dating sakin nitong PED lalo ngayon na may grupo na ako na malapit at aktibo, yung dating pakiramdam na malungkot, magisa dahil malalayo ang karamay eh napalitan ngayon ng saya at excitement dahil may nakakasama na kahit paano at dagdag kumpyansa na din kasi may kaagapay ka na actual na tutulong. sakto naman na minsan pag uwi ko dahil isa sa mga natutuhan ko sa mga kasama sa TONDOPED eh ang MAG CHEK NG UNIT BAGO AT PAGKATAPOS GAMITIN, LALO SA MGA BOLT AND NUTS NITO. aguuyy may parang kulang sa bolt sa engine ko, and bakit parang may distance sa pagitan ng mounting nito malapit sa pull start. dahil iilan pa lang kami nuon sa grupo eh madalas group video call ang nangyayari kapag may nag parating ng problema katulad nitong sa akin. so after ng assessment dahil nakita nila nalaman ko na nabasag na pala yung parte ng crankcase na turniltuhan ng pull start. puede pa naman daw gamitin pero hindi na maganda kasi aalog na yung engine since nabawasan yung suporta na humahawak at madadamay na yung ibang turnilyuhan mababasag at mababasag sa katagalan. ang option namin noon eh magpalit ng crankcase or ipa direct drive ko na. that time dahil hindi pa lahat ng establishment eh pinapayagan mag bukas kagaya ng noon eh kilalang sentro ng bilihan ng unit at spare parts ang ROAD RUNNER MALATE MANILA (unang orihinal na shop sa manila para sa mga stand up scooter pocket bike atv atbp) para sana makabili ng crankcase cover replacement, ang naging option ko is ipa-DD or direct drive na. may kasama ako sa grupo na may shop din sa divisoria si Sir Ariel ang Giftwillsent kaso non operational pa din siya gaya ng RR. kaya isa talaga sa inasahan ko noon eh ang sikat na Master ng Cainta pag dating sa direct drive sa katauhan ni Sir Joel Borlagdatan. sikat siya sa group page dahil sa mga pulido niyang gawa na Yframe at direct drive projects. since medyo tight budget hindi ako nagpa Yframe, nagkasya ako na ipa reinforced yung mga weak part gaya ng tubular type swing arm na nababali ng kusa sa katagalan (may mga nagpost na nito dati na naranasan nila yung isa muntik pang madisgrasya dahil umaandar siya ng mabali yung kanyang swing arm) nilapatan namin ng flat bar dagdag suporta at tibay, tapos yung part ng pole na folding inagapan na din namin kasi nababali din yan dahil spot weld lang kaya nag full weld kami sa parteng yan, and siyempre yung totoong pakay ko is ipa DD kaya mawawala na yung gearbox ko, yung engine na dating nasa kaliwa eh ililipat na namin sa kanan dahil ayun na yung magiging orientation ng ikot ng clutch. maayos kausap at pulido talaga gumawa si Sir Joel, sulit ang pag dayo ko at pag papagawa. mas panatag na ako ngayon dahil alam ko reinforced na yung rolling kit ko, alalay na lang lagi sa bawat andaran gawa ng stock tires pa din ang gamit ko at minsan na akong napunitan ng rear tire. kaya sabi ko sa susunod pag iipunan ko na ang magandang klase ng brand ng gulong para wala ng pangamba na maputukan ng stock tire. patuloy pa din ako sa araw araw na pag pasok gamit ang ped bilang service, and kapag sunday na off ko eh nakakasama sa mga short ride ng grupo na madalas sa CCP, MOA, OKADA paikot ikot lang kami dyan dahil bawal pa lumayo gawa ng mga lockdown protocols. itutuloy ...

Address

Tondo

Telephone

+639776274108

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when A&B ped parts posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to A&B ped parts:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram