Healthy Torrijos

Healthy Torrijos Official Page of Municipal Health Office - Torrijos, Marinduque

Alam mo ba? πŸ€”Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals ca...
17/07/2025

Alam mo ba? πŸ€”

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation πŸ‘€
A – Assess the victim πŸ§‘β€βš•οΈ
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. πŸ“²
I – Initiate CompressionπŸ’“
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚑

06/07/2025
πŸ“£ ISANG MAKABULUHANG SESYON PARA SA KALUSUGAN! 🩺🧠Matagumpay na isinagawa ang Health Awareness Session sa MDRRM Hall para...
25/06/2025

πŸ“£ ISANG MAKABULUHANG SESYON PARA SA KALUSUGAN! 🩺🧠

Matagumpay na isinagawa ang Health Awareness Session sa MDRRM Hall para sa mga Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries ng Brgy. Poblacion.

Tinalakay ang mga sumusunod na isyu sa kalusugan:
βœ… Metabolic Syndrome – Pagkilala at pag-iwas sa mga komplikasyong dulot ng mataas na blood sugar, cholesterol, at BP
βœ… Dengue Prevention – Pinaigting na kampanya gamit ang
πŸ”Έ 5S:
β€’ Search and Destroy
β€’ Self-protection
β€’ Seek early consultation
β€’ Support Fogging in outbreak areas
β€’ Stay Hydrated
πŸ”Έ 4T: Tuwing Alas Kwatro, Ugaliing ang
β€’ Taob
β€’ Taktak
β€’ Tuyo
β€’ Takip
βœ… Rabies Awareness – Pag-iwas sa kagat ng hayop at kahalagahan ng agarang aksyon
βœ… Tuberculosis (TB) – Pag-alam sa sintomas, at pagsunod sa tamang gamutan

πŸ‘©β€βš•οΈ Tagapagsalita: Ciela Marie M. Mationg, RN
Nagbigay ng malinaw at makabuluhang talakayan ukol sa mga nabanggit na isyu sa kalusugan.

Layunin ng aktibidad na ito na palakasin ang kaalaman ng bawat pamilyang Pilipino sa mga sakit na maaaring iwasan sa pamamagitan ng edukasyon at partisipasyon. πŸ’š






πŸ“£ Health Awareness Session sa Brgy. Cagpo πŸ₯🐾🦟Matagumpay na naisagawa ang Health Awareness Session sa Brgy. Cagpo na dina...
19/06/2025

πŸ“£ Health Awareness Session sa Brgy. Cagpo πŸ₯🐾🦟

Matagumpay na naisagawa ang Health Awareness Session sa Brgy. Cagpo na dinaluhan ng 28 na kalahok! Layunin ng aktibidad na mapalawak ang kaalaman ng komunidad sa mga sumusunod:

βœ… DOH 5S Strategy at 4 o’clock Habit para sa dengue prevention
βœ… Rabies awareness and prevention
βœ… Tuberculosis (TB) signs, symptoms, and treatment

Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng DOH upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat mamamayan.

πŸ‘©β€βš•οΈπŸ‘¨β€βš•οΈ Sama-sama nating labanan ang sakit!

β€œPaalalang Pangkalusugan, unawain,pakinggan"Petsa ng Aktibidad: Hunyo 19, 2025Lugar: Makawayan Covered CourtTagapaghatid...
19/06/2025

β€œPaalalang Pangkalusugan, unawain,pakinggan"

Petsa ng Aktibidad: Hunyo 19, 2025
Lugar: Makawayan Covered Court
Tagapaghatid ng Kaalaman: DOH-HRH – Jean Carla R. Valencia at Adelfa R. Pernia

MAHALAGANG PAALALA;

-β€œMalinis na paligid, ligtas sa dengue!”
Mag 5S at 4T's

-β€œProtektahan ang bawat hinga β€” labanan ang TB!”
Kung may ubo nang higit dalawang linggo, magpatingin agad. Ang maagang gamutan ay susi sa paggaling.

-β€œAng rabies ay walang lunas β€” maagap na bakuna ang sagot!”
Kapag nakagat o nakalmot ng hayop, agad hugasan ang sugat at magtungo sa pinakamalapit na health center.

Bawat kaalaman ay hakbang palayo sa sakit at hakbang palapit sa mas masiglang kinabukasan.

𝐇𝐄𝐋𝐏 𝐒𝐀𝐕𝐄 π‹πˆπ•π„π’!Join us in the π•„π• π•“π•šπ•π•– 𝔹𝕝𝕠𝕠𝕕 π”»π• π•Ÿπ•’π•₯π•šπ• π•Ÿ π”»π•£π•šπ•§π•– in collaboration with the Marinduque Blood Council on June 20...
02/06/2025

𝐇𝐄𝐋𝐏 𝐒𝐀𝐕𝐄 π‹πˆπ•π„π’!
Join us in the π•„π• π•“π•šπ•π•– 𝔹𝕝𝕠𝕠𝕕 π”»π• π•Ÿπ•’π•₯π•šπ• π•Ÿ π”»π•£π•šπ•§π•– in collaboration with the Marinduque Blood Council on June 20, 2025 at the MDRRM Hall, Poblacion Torrijos.
Kung ikaw ay interesadong magdonate, magpalista lamang sa πŸŽπŸ—πŸŽπŸ–πŸπŸ’πŸ—πŸ‘πŸ“πŸ“πŸ” o sa pinakamalapit na health center.

Today, we join the nation in commemorating the International AIDS Candlelight Memorial (IACM), which has the theme β€œWe R...
22/05/2025

Today, we join the nation in commemorating the International AIDS Candlelight Memorial (IACM), which has the theme β€œWe Remember, We Rise, We Lead.”
May this be a powerful reminder to all of us to remember and honor those who have lost their lives to AIDS, and to act in solidarity with courage and compassion to the people living with HIV.

Halina’t makiisa at ipakita ang iyong suporta ngayong International AIDS Candlelight Memorial (IACM) sa pamamagitan ng p...
22/05/2025

Halina’t makiisa at ipakita ang iyong suporta ngayong International AIDS Candlelight Memorial (IACM) sa pamamagitan ng paggamit ng profile frame na makikita sa link na ito https://twibbo.nz/2025iacmtorrijos at ng caption sa ibaba:
β€”---------------
Sa paggunita ng International AIDS Candlelight Memorial ngayong taon na may temang, "We Remember, We Rise, We Lead", Ako si [Iyong Pangalan] ay taos-pusong nakikiisa sa pagninilay at pag-alaala sa mga buhay na nawala dahil sa AIDS, at pagbibigay pag-asa at pagbangon sa bawat Pilipinong patuloy na lumalaban sa Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Ipinanunumpa ko ang aking sarili na maninindigan laban sa diskriminasyon, stigma at maling impormasyon ukol sa HIV at AIDS. Ako rin ay makikibahagi sa pagtataguyod ng isang komunidad na ligtas, mapagkalinga at inklusibo kung saan ang lahat ng mamamayan ay mayroong akses sa suporta at serbisyong pangkalusugan.

Address

Torrijos

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639081493556

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Healthy Torrijos posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Healthy Torrijos:

Share