22/09/2025
๐๐๐ธ๐ผ๐น๐ฎ๐ฟ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป, ๐ก๐ด๐ฎ๐๐ผ๐ป ๐ฎ๐ ๐๐๐บ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป!
โ
Bilang mga lider-estudyante at isa sa pinakamataas na organisasyon, kami, ang Central Student Government ng Cavite State University โ Trece Martires City Campus, ay nakiisa sa naganap na Peso Trillion March kahapon.
โ
Kasama ng libu-libong mamamayan sa tinaguriang โBaha sa Lunetaโ protest, nanindigan at nagkaisa ang sambayanan sa pagsusulong ng transparency, accountability, at katarungan. Mula Luneta hanggang Mendiola, malinaw ang panawagan ng mamamayan laban sa katiwalian at kawalan ng pananagutan.
โ
Bilang mga iskolar ng bayan at kabataang Pilipino, mariin nating tinututulan ang anumang anyo ng korapsyon sa ating bansa. Patuloy nating ipaglalaban ang karapatan at kapakanan ng nakararami, at sama-sama nating panghahawakan ang prinsipyo ng katotohanan, kalayaan, at makabuluhang pagbabago para sa mas maliwanag na kinabukasan.
โ
Kami ang iskolar ng bayan, mga kabataang may tungkuling manguna, manindigan, at magtaguyod ng pagbabago. Patuloy na lalaban hanggang sa makamit ang tunay na katarungan at kaunlaran.
โ
๐๐๐ข๐-๐จ๐๐ข๐. ๐๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐. ๐๐๐จ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐จ๐ ๐๐๐ฎ๐๐ฃ!
๐ฃ๐ต๐ผ๐๐ผ ๐๐ฟ๐ฒ๐ฑ๐ถ๐๐ ๐๐ผ: ๐๐ฆ๐ ๐ฉ๐ถ๐ฐ๐ฒ ๐ฃ๐ฟ๐ฒ๐๐ถ๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ฎ๐๐๐บ๐ถ๐ป๐ฒ ๐ง๐ฎ๐น๐ผ๐ฏ
๐๐ฎ๐๐ผ๐๐ ๐ฏ๐: ๐๐ฆ๐ ๐ฆ๐ฒ๐ป๐ฎ๐๐ผ๐ฟ ๐๐๐๐ถ๐น๐น๐ฒ ๐๐ฎ๐ถ๐๐ต ๐๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ฏ๐ฎ๐ฐ๐ฎ๐น
๐ช๐ฟ๐ถ๐๐๐ฒ๐ป ๐ฏ๐: ๐๐ฆ๐ ๐ฃ๐๐ฏ๐๐ผ๐บ ๐ ๐ฎ๐ณ๐ณ๐ ๐๐ผ๐ป๐ถ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ด๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ฎ๐ป