DOC N - NTrinidad Tuguegarao

DOC N - NTrinidad Tuguegarao Board-certified Neurologist and Internist. Changing mindsets toward brain health. Board certified neurologist and internist.

👏👏👏
26/08/2025

👏👏👏

21/08/2025

Good afternoon po sa lahat maliban sa mga kapitbahay o amiga/amigo na hilig makialam sa gamutan at reseta ng pasyente, na kesyo "nakakasira sa atay at kidneys" yung mga gamot namin pero kung maka-aya sa inuman (alak=chemical=toxin), yosi/vape (toxin din), at pagkain ng mamantikang karne (hello, atherosclerosis) ay wagas.

Hay naku, mga manong at manang. Siguraduhin lang may ambag po tayo sa hospital bills kapag naospital ang mga pasyente naming ito.

Mahabaging langit, pagkaluobin Nyo naman kami ng mas malalim na pasensya.

Posing with the Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc - CUDMC Brain Attack Team BAT nurse delega...
18/08/2025

Posing with the Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc - CUDMC Brain Attack Team BAT nurse delegates led by the Head BAT Nurse Coordinator Mr. Denn Mark Tapon at the 2025 Stroke Society of the Philippines SSP annual convention.

They received one Platinum, two Diamond World Stroke Organization WSO-Angels awards for excellence in stroke care on behalf of the hospital.

Congratulations to the team!

Congratulations po, St. Matthias Medical Center of Isabela in Tumauini! Marami pang kailangang gawin pero malayo na rin ...
16/08/2025

Congratulations po, St. Matthias Medical Center of Isabela in Tumauini! Marami pang kailangang gawin pero malayo na rin ang narating. All for better stroke care among Isabelinos!

Mechanical Thrombectomy (MT). Isang procedure na kung saan, pagkatapos bigyan ng IV TPA--clotbuster drug na pantunaw ng ...
14/08/2025

Mechanical Thrombectomy (MT). Isang procedure na kung saan, pagkatapos bigyan ng IV TPA--clotbuster drug na pantunaw ng blood clot na nagbara sa ugat ng utak--at hindi tuluyang nagbukas ang ugat (hindi complete ang reperfusion), maaring irefer agad for MT para "sipsipin" ang namuong dugo na nagbabara at magkadaloy ulit ang ugat.

Sa ngayon ay hindi pa ito available sa Tuguegarao--hopefully, soon magkaroon ng mga espesyalista na maaring gumawa nito.

Naalala ko may isang pasyente kami sa Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc - CUDMC na naihabol at nairefer sa Manila at nagawan ng ganito. Dapat sana ay quadriplegic sya, alagain at galaw lang ng mata pataas, pababa ang maiiwan na function (ang tawag dito ay Locked-In Syndrome dulot ng Basilar Artery Occlusion). Naisalba ang pasyente at ngayon ay nakabalik ng Canada (nagbabakasyon lang sa Apayao nung naistroke) at nakapaglalakad sya. Imagine, maaring mag-iba ang tadhana mo kung maagapan lang ang stroke!




11/08/2025

"Noreen, teka, healthcare is not free? Minsan talaga may serbisyo ako na walang bayad--magturo sa students, magrounds sa charity. Abonado pa ako sa gasolina papunta sa hospital."

Ok, let me further expound on this.

We always get something out of our services--whether it's monetary or non-monetary.

Monetary--self-explanatory.

Non-monetary: new learning about a difficult case, refining your clinical eye, feeling of a certain "high" when you're with your students as they look up to you as a mentor, warm fuzzy feeling that you helped solve a patient's case in the charity wards and how he or she is finally going home to his/her family; sense of high regard as you saunter through the corridors, as you do NIGA (non-income generating activities) for your society/assoc; a sense of honor--you can almost feel being at the peak of your self actualization pyramid after such a long climb; inner peace; great networking among colleagues; basically every emotional, psychosocial advantage of having a sense of purpose and accomplishment, of being a productive member of society.

Anyway naman, the cases we see and manage all contribute to us being better clinicians. Better, happier doctors = better service. Competency demands better compensation. Higher quality = more value.

Lahat naman may balik, in one way or another.


11/08/2025

Daming posts about Doctor's PF.

Bakit ba ngayon lang ito napaguusapan?

All this time, doctors have not been discussing this issue openly.

Parang may hiya. May alinlangan. May pag-iingat.

Pero napakasimple lang.

NagDELIVER tayo ng SERBISYO;
may TAMANG COMPENSATION para sa serbisyo.

Serbisyo = Bayad.

Sa aangal na naman:
My dears, healthcare is NEVER FREE.

Kahit pa nasa government hospital ka.

(Yang kapiraso ng bulak na ginamit sa pasyente, hindi yan minagik. Binili sa tindahan. Saan galing ang pambili?

Yung suweldo ng nursing staff, non-medical staff na nagtatrabaho sa govt ospital...suweldo ng mga doktor na pambuhay sa pamilya nila? Saan galing?

Pondo ng DOH na galing sa taxes natin.

Sa private hospitals, saan manggaling ang pangsuweldo na bubuhay sa pamilya ng hospital workers, doctors?

Sa mga binayad ng private patients, binayad ng finance institutions, govt agencies nagbigay ng financial assistance, PHIC. Gets na natin?)

HINDI DAPAT TAYO NAHIHIYANG SUMINGIL NG DAPAT, at huwag natin kasing ipapakita na nahihiya tayo.

NORMALIZE talking about or discussing our fees.

As with any other service providers:

Magkano po yang gupit nyo?
Magkano po, atty, ang acceptance fee?
Magkano aabutin ang design, architect?

"Ganito po ang fee ko for this service that I will provide. Initial consultation takes 30 to 60 mins, depending on your case, the rate is this___. For followups, you will be allotted 20 minutes, this is the rate___. Is this setup alright with you? Ok po ba ito o mayroon po bang financial issues? (this part delivered with an empathetic tone bec people are usually ashamed to admit this) Huwag pong mag-alala, mam/sir, I can refer and endorse you to our capable doctors in our regional center para mas malawak ang mararating ng budget po ninyo. Mahalaga magamot po ang sakit ng pasyente."

If the family AGREED to your PF from the start, and we doctors documented this well, and then family STILL COMPLAINED afterwards...wow naman, the audacity.

Mapapa-🙄😬😑😶 ka na lang.


The Importance of CERTAINTY IN NEURODIAGNOSTICS: From a Perspective of a Clinician. Ayan tuloy. Dahil naghahanap ako ng ...
08/08/2025

The Importance of CERTAINTY IN NEURODIAGNOSTICS: From a Perspective of a Clinician.

Ayan tuloy. Dahil naghahanap ako ng challenge or an interesting case...

A 15 year old boy was referred due to a sudden generalized seizure episode. He presented with a history of fever, headaches, vomiting, elevated BPs and had later developed sensorial changes. By the time he was referred to our hospital, he couldn't communicate verbally and was exhibiting agitated behavior (nagwawala po talaga)--he would attempt to sit/stand while being prepped for a scan and, at one point, even had to be pacified by four members of the nursing staff.

As I had been trained, I laid down several differential diagnoses.

(Sa mga hindi po familiar, ang "differential diagnoses" ay ang proseso naming mga doktor ng paglalatag ng maraming posibleng teorya tungkol sa sakit ng isang pasyente. Magiisip po kami ng mga posibleng mga sakit ng pasyente, para wala pong ma-miss out, at isa-isa namin itong ieeliminate base sa mga resulta ng tests at presentasyon o development/evolution ng sakit habang lumilipas ang mga araw.)

Meron kaya syang nakain? Nainom? May exposure ba sa hayop, sa toxins, sa baha, sa chemicals?

Brain infection kaya? What kind? Meningitic, encephalitic or meningoencephalitic (probably the latter two because of the behavioral change)? Nagkaroon sya ng pamamaga ng kulani sa leeg isang linggo nakaraan, na ginamot ng oral antibiotic, konektado kaya ito? May abscess (nana) kaya sa utak?

Posterior reversible encephalopathy syndrome/ PRES? Isa itong kondisyon na kadalasan, ang likod na parte ng utak ay namamaga--isang sanhi nito ay biglaang pagtaas ng BP.

Autoimmune o limbic encephalitis kaya ito? Na kung saan ang isang parte ng utak, specifically ang limbic area, ay namamaga dahil sa autoimmunity--inaatake ng immune system nya ang sarili nyang cells.

Ginawa ang diagnostic lumbar tap. Malinis ang cerebrospinal fluid, kaya mukhang hindi infection. Wala syang exposure sa kung saan man. Sa initial CT scan, mukhang maga ang utak, wala akong makitang nana o bukol.

Forty-eight hours have passed without some improvement so I decided to schedule him for a cranial MRI because we also couldn't get clarity from informants regarding the history of his illness.

I also talked to the family and said that if they are amenable, we may possibly need to request that his brain-spine fluid and blood samples be sent to Manila for anti-neuronal antibody testing. The initial set of tests would cost in the range of 5 figures.

They said they were willing to spend for this.

A plain cranial MRI with Time of Flight Angiography and Arterial spin Labelling (ASL) CBF (available at Cagayan United Doctors Medical Center of Tuguegarao City, Inc - CUDMC MRI Center) was then done.

(What is ideal about ASL is that there is no need for contrast studies that may further stress the patient's kidneys.)

Dr. Irma Kintanar, head of the CUDMC MRI Center, and a renowned neuroradiologist, immediately communicated with me.

The patient's MRI answered our questions!

Aside from symmetric vasogenic edema (isang klase ng pamamaga) in almost all parts of the cortices (harap, side, at likod ng utak), the patient's ASL sequence showed almost all areas to be in blue color--this blue color means that these areas have very poor blood flow.

Walang involvement or pamamaga sa limbic lobe.

The patient has Atypical PRES.

As I said, PRES usually involves the posterior (bandang likod) parts of the brain, but in some cases, may also occur in other areas of the brain.

My discussion with Doc Irma helped me resolve a neurological dilemma.

I cancelled the request for the expensive antibody tests (buti naman at ang mahal ng mga 'to!).

We started the patient on some neurorestorative meds. Pediatric specialists had been adjusting anti-hypertensive meds, hydration, and decompression since admission.

Within less than 24 hours, the patient asked for water and food. He was communicating and can follow commands.

By the 6th day, patient has been transferred to a regular room and is on his way to recovery.

Interesting case, indeed.



05/08/2025

Ito yung isa sa gusto ko rito sa practice sa probinsya: yung nakakapagsuot ako ng hindi plantsadong damit at shorts na hindi najujudge ng pasyente. 😄

Mag-iingat po tayo sa mga ganitong tao--kapamilya man o kaibigan. Ang isang example ng ganitong form of manipulation ay ...
04/08/2025

Mag-iingat po tayo sa mga ganitong tao--kapamilya man o kaibigan. Ang isang example ng ganitong form of manipulation ay GASLIGHTING.

Halimbawa, pinapalabas ni kuya A na nasa tuktok na si kuya B na umaakyat sa bangin ay nangangailangan ng kanyang tulong, na sya ay may magandang puso na handang tumulong. Yun pala, sya ang dahilan para hindi makaangat si kuya B kahit na hirap na hirap syang umakyat.

Mararamdaman ngayon ni B na sya ay malas, mahina, o tamad kahit na kapag tinignan mo ang sitwasyon si A pala ang may dahilan sa sitwasyon ni B.

Ang solusyon?

Wag bumaba sa hagdan o sa bangin na 'yan, in the first place.

Huwag ilagay ang sarili sa ganyang sitwasyon.

Iwasan ang mga tao na hindi makakadagdag sa pagprotekta sa iyong sense of self.

Dapat ay lagi mong unahing protektahan ang SARILI hindi para maging makasarili lamang kundi PARA MAS MAY MAIBIGAY KA SA IBA.

Alamin ang pagkakaiba ng dalawang layunin na 'yan.

Address

63 Mabini Street
Tuguegarao City
3500

Opening Hours

Monday 9am - 6pm
Tuesday 9am - 6pm
Wednesday 9am - 6pm
Thursday 9am - 6pm
Friday 9am - 6pm
Saturday 9am - 2pm

Telephone

+639566699602

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DOC N - NTrinidad Tuguegarao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to DOC N - NTrinidad Tuguegarao:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram