01/02/2024
Generic VS Branded ⁉️
Sana lahat ng doctor ay ganito magbigay ng impormasyon sa bawat pasyente para naman may kaalaman sila. Hindi po kami magsasawang iexplain sa bawat customer namin ang bagay na ito dahil karamihan sakanila ay kapos at hindi na nakakapagComply ng tama sa kanilang gamutan dahil pinipili nilang bumili ng mahal na gamot base sa kanilang reseta o maling akala. Pagdating na kasi sa Botika madalas ayaw ng Customer bumili ng generics dahil Branded ang inireseta kahit kulang na sila sa budget o di kaya ay akala nila hindi effective dahil mas mura. Tandaan na ipinagbabawal ang pagrereseta ng gamot na walang nakalagay na Generic Name dahil nasa batas po ito ng Generics Act RA 6675 at Violative prescription na ito at maaring maireport sa DOH.