Docmomdiaries

Docmomdiaries DocMomDiaries – Family Doctor

Your family's health doesn't happen in isolation—it affects everyone at home. Mas masarap ang may tamang kaalaman. 🩺💚

As a Family Medicine physician, I help Filipino families navigate health decisions together.

03/05/2026

Regular me**es ka dati—ngayon nagulo? Init sa gabi, mood swings, pagod kahit tulog? Hindi lang stress. Baka perimenopause. Save & share. Magpatingin kung naaapektuhan ka na.

02/05/2026

Pagod ka? Baka hindi lang pagod.
Baka anemia na.
👇 I-share sa family GC.





01/05/2026

Hindi lahat ng sakit tuwing regla ay normal.
Kung paulit-ulit, lumalala, at hindi na kaya ng pain reliever— huwag mong isipin na “arte” lang ito.
Maaaring may kondisyon na hindi agad nakikita: endometriosis.



30/04/2026

Masakit ba ang regla mo?
Hindi lahat ng sakit tuwing regla ay normal.
🚩 Kapag lumalala ang sakit, hindi na tinatablan ng gamot, o masakit kahit wala pang regla — hindi na ito normal.
Huwag basta magtiis.
Ang sakit ay signal — hindi ito dapat balewalain.




29/04/2026

Akala mo pimples lang o maitim na leeg lang? PCOS na pala.
Minsan—hindi balat ang problema.
Alamin ang signs. Huwag balewalain.



28/04/2026

Chicken skin sa braso o hita? Hindi ito dumi at hindi nawawala sa kakakuskos. Keratosis pilaris ito—common at may tamang paraan para gumanda ang texture.

27/04/2026

Pantal sa leeg, tainga, at loob ng siko — paulit-ulit bumabalik.
Hindi laging allergy sa gatas. Minsan, skin barrier problem ito.

26/04/2026

May batang may sugat sa kakakamot — pero ang totoo, scabies na pala sa buong pamilya.
Kati sa gabi? May iba pang makati sa bahay?
Hindi ito dumi. May lunas — pero sabay-sabay dapat ang gamutan.

24/04/2026

Sugat sa paa na hindi masakit? Delikado lalo sa may diabetes.
Pwedeng magsimula sa paltos, paso, o maliit na hiwa.
I-check ang paa araw-araw para maiwasan ang infection at amputation.

24/04/2026

Hindi lahat ng sugat sa may diabetes ay masakit.
Kapag may pamamanhid at mabagal gumaling — puwedeng lumala nang hindi mo napapansin.
Kung may sugat sa paa na hindi masakit o hindi gumagaling, magpacheck na.
I-save ito at i-share sa pamilya. 💙

22/04/2026

Pantal o sugat sa mukha ng bata na dumadami? Baka impetigo (mamaso) ito- isang bacterial infection na madaling kumalat sa balat, tuwalya, at unan.
Hindi ito allergy. Magpatingin agad para maiwasan ang hawaan.

21/04/2026

Paulit-ulit na sugat sa gilid ng bibig? Hindi ito simpleng vitamins lang. Ang “kupol” o angular cheilitis ay pwedeng may kinalaman sa pustiso, infection, o mataas na blood sugar.
Kung hindi gumagaling, huwag hulaan—magpa-check.
I-share sa pamilya. 💙

Address

San Pedro
Tumauini
3325

Telephone

+639773929612

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Docmomdiaries posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Docmomdiaries:

Share