04/07/2018
SENTENARYO NG PAGSASARILI NG BAYAN
NG SAN JOSE DEL MONTE
Ito ang ika-100 taon ng Paghiwalay ng Munisipalidad ng San Jose del Monte mula sa Bayan ng Sta. Maria.
Sa ilalim ng rehimeng Amerikano noong 1901, ang San Jose del Monte bilang noo'y isang simpleng bayan na hindi gaanong kababanaagan ng progreso, mahina sa aspetong politikal na may kakulangan sa pagpapairal ng kapayapaan at kaayusan ay inilagay sa ilalim ng pampulitikang pangangasiwa ng bayan ng Sta. Maria.
Sa bisa ng kautusan noong 1918 sa ilalim ng Pamahalaang Amerikano ay naging ganap ang paghiwalay ng Munisipyo ng San Jose del Monte at itinalaga si Ciriaco Gallardo bilang kauna-unahang alkalde.
Nagbigay daan ang pagkakataong ito upang magbagong bihis at bigyan ng tiyak na pagkakakilanlan ang San Jose del Monte bilang isang bayan sa Lalawigan ng Bulacan at isang umuunlad na yunit ng pamahalaan.
Credits to SJDM Public Information Office