
10/08/2025
Halos karamihan sa nagiging dahilan ng hindi pagpapasuso ng kanilang mga sanggol ay ang kawalan o pagiging kaunti ng suplay ng gatas ng isang ina.
Subalit ayon kay Dr. Marj San Joaquin β Sibayan, isang lactation consultant, apat na buwan pa lamang na nagdadalangtao ang isang babae, nagkakaroon na ng produksyon ng gatas ang kanyang katawan.
Nailalabas lamang ito sa panahon na maalis na sa kanyang katawan ang inunlan o placenta ng bata.
Inamin rin nito na minsan naririnig mismo ng mga Nanay ang pahayag na wala siyang gatas sa kanilang mga healthcare professional na minsan kailangan din ng kaalaman tungkol sa nasabing bagay.