08/05/2025
This should serve as a warning to those who offer dental services without a license.
Entrapment Operation, Nauwi sa Pag-aresto sa suspek, dahil sa Paglabag sa Philippine Dental Act at Cybercrime Prevention Act
Tacurong, Sultan Kudarat – Sa pinagsanib na operasyon na isinagawa ng Tacurong City Police Station (TCPS) at Regional Cybercrime Unit 12 (RACU 12) ng Sultan Kudarat Police Crime Response Team (SKPCRT) ang nagresulta sa pagkaka-aresto sa isang suspek dahil sa umano'y paglabag sa Republic Act No. 9484 (The Philippine Dental Act of 2007) na may kaugnayan sa Section 6 ng Republic Act No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).
isinagawa ang nasabing operasyon dakong 12:15 ng tanghali noong May 8, 2025, sa Purok Pagkakaisa, Barangay San Pablo, Tacurong City, Sultan Kudarat. Ito ay isinagawa sa presensya ng isang opisyal mula sa Philippine Dental Association (PDA), Sultan Kudarat Chapter, upang masiguro ang legal at propesyonal na pangangasiwa.
ikinasa naman ng awtoridad base sa beripikadong impormasyon at nakakuha ng pre-operational clearance (Reference No. 05-08-2025-RACU12-934) bago isagawa ang operasyon.
Samantala, nahuli naman ang suspek na si Alyas Jenny, 34 years old, na residente ng Lambayong, Sultan Kudarat, matapos umano’y magsagawa ng ilegal na dental praktis na walang lisensya.
Ang nasabing operasyon naman gumamit ang mga kapulisan ng body-worn cameras (BWC) alinsunod sa Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Ex*****on of Warrants (Supreme Court A.M. No. 21-06-08-SC).
Nakuha naman sa posisyon ng suspek ang isang (1) Android na cellphone.
Agad na ipinaalam sa inaresto ang dahilan ng kanyang pagkaka-aresto at ang kanyang mga karapatang konstitusyonal sa ilalim ng Miranda Doctrine.
Matapos naman ang tamang proseso ng booking sa RACU 12 SKPCRT office, siya ay inilipat sa Tacurong City Police Station para sa kustodiya at karagdagang legal na proseso.
Ipinapakita ng operasyong ito ang determinasyon ng mga ahensya ng batas na panatilihin ang propesyonal na pamantayan sa larangan ng pangangalaga sa kalusugan at sugpuin ang mga ilegal na gawain, lalo na ang mga gumagamit ng digital na plataporma.
Via. Tacurong City Police Station.