
29/07/2025
Nakiisa ang Tuy Rural Health Unit sa celebration ng Nutrition Month na may tema na โFOOD AT NUTRITION SECURITY MAGING PRIORITY! SAPAT NA PAGKAIN, KARAPATAN NATIN!โ
Layunin ng programang isinagawa na maipaunawa ito sa pamamagitan ng lecture ni Dr. Liza Carmelli Chua. Tinalakay nya ang mga nutrition-specific interventions na mainam sa first 1000 days ng isang bata at kung ano ang kahalagahan nito sa food at nutrition security.
Dinaluhan ito ng mga Barangay Nutrition Scholars, SB Members, Municipal Nutrition Council, gayundin ng mga representatives ng DOH na sila Dr. Eloisa Baylosis-Derain (Provincial Health Team Leader) at Ms. Ruena Tupaz (Development Management Officer).
Taos pusong pasasalamat sa lahat ng sumuporta sa programa sa pangunguna ni Mayor Jey Cerrado at Vice Mayor Randy Afable. Maraming salamat din po sa tulong ng dalawang 1st district BM - Bokala Armie Bausas at Bokala Anna Rosales Santo, gayundin sa
Municipal Advisory Group.