04/07/2025
July 3, 2025 - PuroKalusugan sa Brgy. Raja Soliman
Kalusugan ng Puso at Isip
Tinalakay ang Non-communicable Disease NCD (mga hindi nakakahawang sakit) at Mental Health (kalusugang pangkaisipan) sa mga mamamayan ng Brgy. R. Soliman kasama ang mga Barangay Health Workers (BHW) at ilang Barangay Officials.
Kasama si Midwife Richelle ng BHS Soliman, Nurse Tam, at Nurse Colbi, ay naipabatid ang bigat ng problema sa komunidad ng NCDs tulad ng alta presyon, diyabetes, sakit sa puso, at stroke. Kaugnay nito ay naipagbigay-alam ang mga dahilan ng pagkakaroon ng sakit na ito at kahalagahan ng pag-iwas sa bisyo, hindi tamang pagkain at hindi pageehersisyo. Sa maagang screening ay mas maiiwasan ang paglala ng mga nabanggit na sakit pati na rin ang pagkakaroon ng komplikasyong dulot nito.
Tinalakay din ang kahalagahan ng mental health para sa overall well-being ng isang tao. Ang pagkakaroon ng kaalaman sa mga bagay na dapat gawin upang makayanan ang anumang pagsubok na makaaapekto sa mental health.
Ipinaalala rin ang mga serbisyo ng Unisan Rural Health Center sa screening, management at treatment ng Non-communicable Diseases (NCDs) at assessment para sa Mental Health (MH).
Isa ring pasasalamat sa mga mamayan ng Brgy. R. Soliman sa kanilang pakiki-isa, at sa pagsuporta ng mga kawani ng barangay. Nawa ay patuloy ninyong suportahan ang mga programa ng PuroKalusugan.