17/11/2020
๐
Doc, bumili ako ng over-the-counter reading glasses at and sabi sa akin ay +1.50 daw and grado para sa edad ko. Ngunit ng ito ay aking isinuot, hindi ko mabasa ang mga letra sa aking cellphone. Bakit ganoon Doc?
Maraming dahilan kung bakit hindi nagiging malinaw ang reading glass. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
1. Hindi magandang klase na lente ang nakalagay sa salamin.
2. Hindi tugma sa iyo ang grado ng reading glass. Nangyayari ito kapag:
a. Mayroon kang grado para sa pangmalayo. Kapag gumagawa ng reading glass, kailangang masukat muna ng iyong doktor kung mayroon kang grado sa malayo. Dinagdag ito sa iyong grado sa pangmalapit upang makuha ang akmang grado ng reading glass.
b. Hindi pantay ang grado ng iyong mata. Ang mga over-the-counter reading glass ay mayroong fixed na grado para sa dalawang lente ng salamin. Maaring mangyari na hindi pantay ang grado ng dalawang mata na magiging sanhi ng malabong OTC reading glass
c. Hindi akma ang grado ng reading glass para sa iyong "working distance". Iba-iba ang pangangailangan ng mata depende sa layo o lapit ng binabasa. Kapag mas malapit ka magbasa, mas mataas ang kailangang grado ng reading glass. Kung ikaw naman ay malayo magbasa, mas mababa na grado ng reading glass ang iyong kailangan.
3. Mayroong ibang problema ang iyong mata na hindi kayang masolusyunan ng salamin. Importante magpatingin sa doktor upang masiguradong malusog at walang problema ang mata.
PAALALA: Kung ang iyong nais ay reading glass lamang, mas maigi paring magpakonsulta sa iyong doktor upang mabigyan ka ng tama at angkop na grado base sa iyong pangangailangan.