16/01/2022
Sa aking mga minamahal na pasyente,
magandang araw po. isang mapagpalang araw po sa ating lahat. Isang paalala po ang
De'nice Smile Dental Clinic po ay mananatiling
*BY SCHEDULE/ BY APPOINTMENT. Pls. PM, DM, txt, call, chat po ako or ang secretary on duty or drop by po sa clinic para sa schedule availability.
*DUMATING sa itinakdang araw at oras. kung nais ipabago ang iyong schedule mangyari pong gawin natin ang reschedule at least 1 araw, upang hindi masayang ang schedule at maibigay ito sa ibang pasyente.
*Kung nagkasakit o nagkaron ng sintomas ng covid ang pasyente o ang mga kasamahan natin sa bahay,ipaalam agad sa clinic upang mabago ang inyong schedule. at gawin po natin ang 14days quarantine.
*Please bring your Vaccination card. sa mga pasyenteng wala pa pong bakuna mangyari pong humingi/ kumuha po ng Brgy. health certfcate sa mga brgy. o munisipalidad na nakasasakop po sa inyo.( PASYENTE/MAGULANG O GUARDIAN NG PASYENTE)
*Maging HONEST po tayo sa pagbibigay ng impormasyon, lalo na kung ito ay may kaugnayan sa Medical at Dental na kalusugan.
Ang mga bagay na ito ay mahalagang matugunan po natin upang mapanatili o makatulong sa bawat isa sa atin na maging LIGTAS sa pandemya.
Lagi po tayong magiingat, panatilihin ang pagsusuot ng FACEMASK.
At Patuloy Po tayong manalangin at magtiwala sa ating Panginoong Dyos.
Nagmamahal,
Dra.Weng❤️