Mariveles Rural Health Unit 1

  • Home
  • Mariveles Rural Health Unit 1

Mariveles Rural Health Unit 1 Sa Mariveles, Una Ang Kalusugan

Huwag balewalain ang mga sintomas tulad ng:⚠️ Pananakit ng tiyan⚠️ Palagiang diarrhea o constipation⚠️ Biglaang pagbaba ...
07/03/2025

Huwag balewalain ang mga sintomas tulad ng:
⚠️ Pananakit ng tiyan
⚠️ Palagiang diarrhea o constipation
⚠️ Biglaang pagbaba ng timbang
⚠️ Pagkakaroon ng dugo sa dumi

Ang maagang pagtuklas sa colorectal cancer ay makapagliligtas ng maraming buhay.

🔍 Kumonsulta sa inyong healthcare workers para sa tamang gabay at pagsusuri sa colorectal cancer.

Simulan ang healthy living at umiwas sa anumang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Isang paalala ngayong Colorectal Cancer Awareness Month! 🎀




Huwag balewalain ang mga sintomas tulad ng:
⚠️ Pananakit ng tiyan
⚠️ Palagi ang diarrhea o constipation
⚠️ Biglaang pagbaba ng timbang
⚠️ Pagkakaroon ng dugo sa dumi

Ang maagang pagtuklas sa colorectal cancer ay makapagliligtas ng maraming buhay.

🔍 Kumonsulta sa inyong healthcare workers para sa tamang gabay at pagsusuri sa colorectal cancer.

Simulan ang healthy living at umiwas sa anumang bisyo tulad ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.

Isang paalala ngayong Colorectal Cancer Awareness Month! 🎀




🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang ed...
04/03/2025

🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang edad 5 taon pababa. Nagdudulot ito ng pagpapantal sa kamay, paa, at singaw sa bibig.

Protektahan ang iyong anak laban sa sakit na ito!
✅ Ugaliing maghugas ng kamay
✅ Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
✅ Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan
✅ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center

Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD!

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, ipinapaalala ng Provincial Health Office na maging main...
04/03/2025

Sa pagdiriwang ng Rabies Awareness Month ngayong buwan ng Marso, ipinapaalala ng Provincial Health Office na maging maingat at huwag baliwalain ang kagat o kalmot ng hayop.

Ang kagat o kalmot ng hayop ay maaaring magbigay ng rabies sa tao, at ito ay nakamamatay kung hindi agad maaagapan.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na "Rabies-free na Pusa't A*o, Kaligtasan ng Pamilyang Pilipino" ay nagpapaalala na ang responsableng pag-aalaga ng hayop ang susi natin para tuluyang malabanan ang banta ng rabies.

Ang inyong alaga ay inyong obligasyon, siguraduhing bakunado ang mga ito taon-taon. Huwag din hahayaan na sila ay nakawala sa labas ng inyong mga bakuran.

Sa oras naman na ikaw ay makagat o makalmot ay agad:
1. Hugasan ang sugat nang 10-15 minuto gamit ang sabon at umaagos na tubig
2. Magtungo sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center sa inyong lugar
3. Kumpletuhin ang bakuna sa loob ng ibinigay na schedule at sundin ang payo ng doktor.

Be a responsible pet owner. Sama-sama tayo sa pagkamit ng komunidad na may Zero Rabies Death.


Para sa proteksyon ng kalusugan at seguridad ng mas maayos na kinabukasan, patuloy ang paalala ng Provincial Health Offi...
03/03/2025

Para sa proteksyon ng kalusugan at seguridad ng mas maayos na kinabukasan, patuloy ang paalala ng Provincial Health Office na kumpletuhin ang bakuna ng inyong mga anak. Narito ang recommended schedule ng mga bakunang kinakailangan nilang matanggap ayon sa kanilang edad.

Ang mga ito ay magbibigay sa kanila ng proteksyon laban sa ilang mga malulubhang sakit gaya na lamang ng polio, measles, mumps, rubella, at iba pa. Ito ay napatunayan nang epektibo at ligtas.

Kaya't patuloy pa rin ang mas pinaigting pang pagbibigay ng routine vaccine ng mga health workers dito sa lalawigan ng Bataan para sa mga bata. Makipagugnayan sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar ukol dito.

Sama-sama tayo sa pagpapataas ng bilang ng mga batang protektado para sa mas matatag na pamilyang Bataeño.


ALAM NIYO BA?Cancer ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Ngayon...
07/02/2025

ALAM NIYO BA?
Cancer ang nangungunang sanhi ng pagkamatay sa buong mundo, ayon sa World Health Organization (WHO). Ngayong National Cancer Awareness Month, ipinapaalala ng Bataan Provincial Health Office ang kahalagahan ng maagang pagtuklas kung ikaw ay mayroong sakit na cancer.

Ang cancer ay maaaring maagapan sa tulong ng mga eksperto gamit ang iba't-ibang pamamaraan gaya ng pag-inom ng gamot, operasyon, radiotherapy, at chemotherapy.

Ayon sa mga eksperto, mas madaling magamot ang cancer kapag ikaw ay dumaan sa tamang pagsusuri. May tatlong bahagi ng pagsusuri:
1. Alamin ang mga sintomas - huwag baliwalain ang mga nararamdamang kakaiba sa inyong pangangatawan.
2. Sumailalim sa tama at wastong clinical evaluation, diagnosis, at staging;
3. Sumailalim sa agarang gamutan

Ngarong araw, ika-4 ng Pebrero, ay ipinagdiriwang din natin ang World Cancer Day. Bigyang pansin ang inyong kalusugan, agapan ng mas maaga ang nararamdaman bago pa mahuli ang lahat. Umiwas sa alak, sigarilyo at v**e. Sama-sama tayo sa pagkamit ng malusog na pangangatawan para sa mas matibay na pamilyang Bataeño.


Address


Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mariveles Rural Health Unit 1 posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Mariveles Rural Health Unit 1:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share