
21/07/2025
Lumusong ka ba sa baha nitong mga nakaraang araw o linggo? I-monitor ang sarili at banatayan ang mga sintomas ng Leptospirosis.
Dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha, dulot nito ang panganib sa kalusugan. Kapag ang ihi at dumi ng mga hayop tulad ng daga ay nahalo sa tubig baha, dito nagsisimula ang panganib ng pagkakaroon ng leptospirosis lalo na kapag pumasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng sugat sa balat, mga mata, ilong at bibig
Bantayan ang mga sintomas ng leptospirosis kung ikaw ay lumusong o na-expose sa baha o kontaminadong tubig nitong mga nagdaang araw o linggo.
✅ lagnat
✅ pananakit ng ulo at katawan
✅ pagsusuka
✅ panginginig
✅ paninilaw ng balat
✅ pamumula ng mata
Magpakonsulta kaagad sa health center kung lumusong sa baha para sa libreng konsultasyon at gamot.
Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa leptospirosis sa link na ito:https://www.facebook.com/QCEpidemiologyDiseaseSurveillance/posts/888162600007681
Para sa latest update, magmessage sa page ng Quezon City Epidemiology & Surveillance Division o kaya ay tumawag sa mga sumusunod na numero
8703-2759
09622747107
8988-4242 loc 1609