01/05/2022
10 UTANG COMMANDMENTS NI CHINKEE TAN
1. MAGBAYAD SA TAKDANG ORAS
Siguraduhin natin na magbayad tayo ng ating utang sa takdang oras na napag-KASUNDUAN. Huwag itong ipagpabukas o ipagpaliban. Dahil kawawa naman ang ating inutangan kung sila ay papabalik-balikin lang. Tandaan na ang utang ay parang pagmamahal, huwag mong paaasahin ang isang tao kung wala ka naman palang balak na siya ay mahalin. Sa utang, huwag mong sasabihin na magbabayad ka ng utang mo, kung wala ka naman palang balak na bayaran ito.
2. HUWAG HINTAYIN NA SINGILIN PA
Kung tayo ay may utang, dapat ay hindi na tayo kailangang singilin pa. Dapat ay mayroon tayong kusa na magbayad. Nakakahiya naman na tayo pa ang paaalalahanan. Wag tayo umabot sa punto na tayo ay ay nagtatago at nagmaang-maangan. ‘Wag tayong Utang now tapos Tago later..
3. BAYARAN NANG BUO ANG INUTANG
Kapag nangutang, ibalik nang buo ang perang hiniram. Hindi one-half o one-fourth ang babayaran tapos sasabihin na “Ok na ‘yan!” Dahil ang pera na inutang ay pinagpaguran rin ng iba. Pwedeng may labis pero hindi dapat magkukulang. Dahil sa oras na magkulang ang bayad natin sa ating utang, tiyak na mababawasan din ang tiwala sa atin
4. HUWAG FEELING AGRABYADO ‘PAG SINISINGIL NA
Kapag tayo ay sinisignil, huwag tayong pa-victim effect. Nakalulungkot na ang ibang nangutang, pinapalabas pa na masama ang ugali ng taong naniningil ng utang. Nakakahiya man ang mangutang, pero mas nakakahiya ang taong hindi marunong magbayad ng utang, tandaan lagi ‘yan!
5. MAGPAKUMBABA AT MAGING HUMBLE SA INUTANGAN
Kung hindi natin kayang magbayad sa tamang oras. Dapat marunong tayong mapagpakumbaba at marunong makiusap. Hindi dapat tayo feeling galit at magyabang. Tandaan, tanawin natin ito na isang napakalaking biyaya at tulong na pinagkaloob nila.
6. WAG I-SEEN ZONE ANG NAGPAUTANG
Kapag nag-chat ang pinagkakautangan natin, huwag silang i-seen zone lang at pagtaguan. Sagutin natin kung kailan talaga tayo makakapag-bayad dahil ito ay kanilang inaasahan. Tandaan na todo effort natin nung tayo ang lumapit sa kanila para mangutang. Kaya dapat todo din and effort natin na makipag usap ng maayos sa panahon ng singilan.
7. WAG I-UNFRIEND AND NAGPAUTANG
Huwag na huwag nating sisirain ang ating pakikipagkaibigan pag hindi tayo makabayad sa kanila. Wag ina-unfriend o i-block sa Facebook ang ating pinagkakautangan. Huwag natin itong gawin dahil ito ay gawain ng taong walang kahihiyan.
8. GUMAWA NG PARAAN PARA MAKABAYAD
Kung gusto gagawa ng paraan, kung ayaw maraming dahilan. Maraming paraan kung gustong makapag-bayad ng utang. Hindi sapat na palagi lang na wala pa tayong pambayad. Dapat maghulog din tayo kahit pakonti-konti, upang hindi masira ang ating pagkatao. ‘Di ba’t ang sarap sa pakiramdam kung tayo ay nakakabayad! Mas mabuti na ang nag aabot na pakonti-konti kaysa walang ipam babayad.
9. HUWAG MAGTANGKANG MANGUTANG ULIT HANGGAT ‘DI PA BAYAD
Dapat ay bayaran muna natin ang ating utang sa kanila para hindi masira ang tiwala nila sa atin. Hindi solusyon na bayaran ang isang utang ng isa pang pagkakautang. Tiyak na lalo tayong lulubog at ito ay magkakapatong-patong lamang. In other words, you cannot solve a permanent problem with a temporary solution.
10. IWASAN MAG-POST NG “FEELING BLESSED” HABANG ‘DI PA BAYAD
Huwag sanang mangyari na yung nangutang ay “feeling blessed” pero yung nagpautang ay “feeling stressed” dahil sa kasisingil. Bago sana tayo magpost ng ating mga blessings sa social media, dapat ay magbayad muna tayo sa ating mga obligasyon sa iba. Noong minsan may nagsabi sa akin, “Wala daw akong karapatan na kumain sa labas at mag pakasarap sa buhay kung hindi ako marunong magbayad ng utang. Dahil yung perang pinang-eenjoy ko ay pinaghirapan ng iba!”. Hindi naman masama ang mag-enjoy, siguraduhin lang na wala tayong inaargabyadong tao at wala tayong utang na tinatakbuhan. Mas masarap pa rin na maging feeling blessed na may peace of mind tayo.
Para makawala sa utang at magkaroon ng ipon at investments, kailangan ay Financially Knowledgeable ka. Huwag kang mag-alala at tuturuan ko kayo kung paano maging wealthy and debt-free
⭐Introducing: ChinkTV, The Netflix of Financial Education ⭐
Click this: https://chinktv.com/pages/allaccess
Get these:
✅Access to more than 26 Online Courses
✅FREE Premium Courses and Future Courses
✅Learn from more than 17 different mentors and experts
✅1-year access with certificate. Watch it anytime, anywhere.
Get 1000 OFF today! Type All or visit: https://chinktv.com/pages/allaccess