14/07/2024
There is hope in God !!!!
2010 ng una ako bumisita sa lugar ng Pangasinan mula sa Manila. TInawag ako dito upang maging therapist ng mga batang may speech delayed and behavior issues. 2011 ng makareceive ako ng prophesy na maraming magulang ang humahanap ng pag asa sa kanilang mga anak at ang pag asa na ito ay i-answer ni Lord para sa kanilang mga anak. Dito nabuo ang center na ito at patuloy na nagiging bahagi ng buhay ng mga magulang na may mga anak na nangangailangan ng early intervention.
2011 din ng nanaginip ako na nasa hospital daw ako dahil nanganak ako. Nagulat ako dahil nakita ko ang aking anak na may kakaibang features, may down syndrome sya. Iyak ako ng iyak, halos parang pinipiga ang puso ko sa sakit ng nararamdaman ko at nagaglit ako sa Diyos bakit ako bingyan ng ganun anak. Habang mahigpit ang yakap ko sa aking anak NIYAKAP DIN AKO ng LORD. Kinausap nya ako " Bakit ka umiiyak, magfocus ka sa solusyon wag sa problema, gagabayan kita anak sa pagpapalaki ng iyong anak. May purpose ako sa buhay mo. Hanggang napawi ang aking luha, sunud sunod ang idea na pumasok sa isipan ko. Pinasok ko sa therapy center ang aking anak, bukod pa dito nagfocus din ako sa personal na pagtuturo sa kanya, I enjoyed every moment, I appreciate every small improvements, i started also to build a small business for her... and boom biglang nagkamiracle na ang anak ko daw ay biglang sa panaginip ko ay nagkwentuhan daw kami na parang wala syang speech problem. Paggising ko basang basa ang aking mga mata na umiiyak pa rin ako hanggang sa aking paggising. Dun ko narealize na pinaramdam sa akin ng Lord ang feeling ng isang magulang na may anak na may special needs. Panaginip lang ito pero ito ang nagbigay ng malaking impact upang bumuo kami ng team na may mabubuting puso sa mga bata. Mga therapist na may respect sa inyong nararamdaman at pagmamahal sa bawat bata na aming na handle.
Dito nabuo ang puso ng HappyKid Center. Hindi namin ma ipromise that we are the best therapist in town but we will be your partner in your child's journey for improvement. Walang one time big time improvement, but everything is a process.
At higit sa lahat ito yun panahon bumalik tayo kay God, marami bagay na mahirap tanggapin at unawain pero sya ang magbibigay ng peace sa puso natin upang makapagsimula tayo sa journey na ito na may kasiyahan sa puso at magaan na pagtanggap sa anak na binigay sa atin.
Leave your worries to God and start to book your appointment NOW!!!!
Please directly message us po instead of leaving a comment so we can give you the details thru messenger.
God bless you po!!!