30/04/2026
Ang Inyong Bagong Kaagapay sa Pangasinan
Ginhawa at Alagang Tunay: Malapit na po kaming magsilbi sa inyo! ✨
Mga kababayan sa Pangasinan, may magandang balita po kami!
Narito ang isang "sneak peek" ng inyong bagong tahanan para sa de-kalidad na dialysis care—ang Renal Ease. Alam namin ang hirap ng pagbiyahe at ang paghahanap ng serbisyong mapagkakatiwalaan, kaya naman inilapit na namin ang kalinga sa inyo.
Dito sa Renal Ease, hindi lang makabagong makina ang inyong daratnan. Higit sa lahat, sasalubungin kayo ng:
✅ Malinis at kumportableng pasilidad (para parang nasa bahay lang!)
✅ Mga nurse at staff na may tunay na malasakit at ngiti
✅ Serbisyong tapat at abot-kaya para sa bawat Pangasinense
📍 Barangay. Nancayasan, Urdaneta , Pangasinan
⏳ Kailan? Konting hintay na lang po, malapit na ang aming Grand Opening!
Huwag kalimutang i-LIKE at FOLLOW ang aming page para maging updated sa aming official opening date at special announcements.
Ang inyong kalusugan ang aming misyon. Kita-kits po tayo nang may ngiti! 😊