28/06/2025
Pa-rant lang. Usapang Swerving.
"Ang 'swerving' ay isa sa mga pinaka-subjective na violation. Kaunting liko lang para iwasan ang lubak, pag-iwas sa left-only sign, o pag-adjust dahil sa biglang pag-preno ng nasa unahan, 'swerving' na agad sa mata ng ilang enforcer. Ang masaklap pa, ang 'swerving' ay madalas na secondary violation lang ng 'Reckless Driving'. Pero sa kalsada, stand-alone violation na siya, kumpleto sa presyo.
Hindi ko alam kung sinasadya nila na kontian ang mga road markings para sure na may mahuli sila. Ang sistema, sa halip na ayusin ang trapiko, mas inuuna nila bantayan ang magkakamali sa trap na yan. Kadalasan pa, yung road markings malapit na mismo doon sa solid lane kaya pag traffic at hindi mo kabisado ang lugar, sure na magaganap ang tatlong ito :
β
Ticket - Matagal na proseso, abala sa trabaho, at malaking penalty.
β
Areglo - Eto hindi ko na kailangan ipaliwanag siguro. Dalawa lang to, kung may kapit ka or may pera ka alam mo na.
β
Madaan sa pakiusap - Kung swertehin at maawa ang enforcer, pero madalas, hindi ito gumagana.
Maswerte ka na kung may dashcam ka, salamat sa teknolohiya, may laban ka. Ang dashcam ang pinakamalinaw na ebidensya na hindi ka pa tumatawid sa solid line.
Ngayon ang tanong, sino ba ang Dapat Ayusin: Ang Driver o ang Sistema?
Layunin ba talaga ng traffic management na magkaroon ng kaayusan, o maging 'source of income' lang? Kung gusto talaga ng maayos na trapiko, unahin sana ang malinaw at nakakatulong na road markings at signages.
Sana bago sila manghuli, tanungin muna nila: 'Nakatulong ba kami sa mga driver para hindi sila magkamali?' Imbis na 'Bantayan natin kung sino ang magkakamali'.
Ikaw, anong swerving story mo at saang trap area yan?