06/11/2024
Kita-kita po tayo sa Out Patient Department ng Valenzuela Medical Center upang matalakay ang KANSER SA SUSOβ₯οΈ
Sama-sama po natin sugpuin at pigilan ang sakit na ito πͺπ»
ππ«πππ¬π ππππ₯ππ‘: ππ«ππ―ππ§ππ’π¨π§, πππ«π₯π² πππππππ’π¨π§, ππ§π ππ«ππππ¦ππ§π
Ngayong Oktubre ay Breast Cancer Awareness Month. Patuloy na nakikiisa ang Valenzuela Medical Center sa paglaban sa breast cancer .Layunin ng VMC-Public health Unit-Health Education and Promotion Unit sa pangunguna ng Department of Surgery at ng Nursing Service na magbigay kamalayan at tamang impormasyon sa publiko, lalo na sa mga kababaihan, hinggil sa kahalagahan ng pag-iwas, maagang pagtuklas, at maagap na paggamot partikular ang kanser sa suso.
Sa pamamagitan ng pag-iwas, hinihikayat ang pagkakaroon ng malusog na pamumuhayβregular na ehersisyo, balanseng diyeta, at pag-iwas sa mga bisyo tulad ng paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alakβupang mabawasan ang panganib ng sakit. Ang maagang pagtuklas ay mahalaga sa pagsugpo sa kanser sa suso, kayaβt ipinapayo ang regular na breast self-exam at mga pagsusuri tulad ng mammogram upang mas maagang matukoy ang anumang pagbabago o sintomas.
Ang aming adbokasiya ay hindi lamang nakatuon sa edukasyon, kundi pati na rin sa pagbibigay ng akses sa abot-kayang pagsusuri at epektibong mga programa sa paggamot. Hangarin namin na mas maraming kababaihan ang makalapit sa tamang impormasyon at serbisyo upang mapanatili ang kanilang kalusugan.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, makakamit natin ang isang komunidad na may sapat na kaalaman at kakayahan upang pangalagaan ang kalusugan ,maiwasan ang mga malulubhang sakit, at mapahaba ang buhay. Dahil sa VMC, Bawat Buhay Mahalaga!