25/07/2025
‼️ANUNSYO‼️
Nais po naming ipabatid na bukas, July 26, 2025 (Sabado) ang ating Outpatient Department (OPD) ay bukas mula 8:00 AM hanggang 4:00 PM.
👉🏻 Pinapaalalahanan po namin ang lahat ng may naka-schedule na konsultasyon na dumating sa takdang oras. Huwag din pong kalimutang dalhin ang mga kinakailangang dokumento, tulad ng referral slip, valid ID, at iba pa kung kinakailangan.
📌Para po sa mga darating na walang schedule o ‘yung naka-schedule noong July 22–24 (na naapektuhan ng biglaang kanselasyon) ngunit kailangang magpakonsulta agad, magbibigay po muna kami ng paunang assessment o check-up, at itatakda ang inyong bagong o susunod na schedule, depende sa bilin ng ating mga doktor.
📌Para naman po sa mga scheduled patients na hindi na-check up dulot ng kanselasyon, patuloy po kayong kokontakin ng aming staff para sa inyong bagong schedule. Panatilihing naka-on ang inyong cellphone upang agad na matanggap ang mga abiso at update mula sa aming OPD staff.
👉🏻 Layunin po nito na mabigyang prayoridad ang mga naka-schedule, maiwasan ang mahabang pila, at higit sa lahat, masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.
🩺 Available Services:
• Family Medicine
• General Surgery
• Internal Medicine
• General Geriatrics
• TB DOTS Clinic
• Heart Station
• Pediatrics
• Physical Medicine & Rehabilitation (for scheduled patients and telemedicine; starts at 7:00 AM)
🤰 Para sa OB Patients: Wala pong walk-in consultation sa ngayon dahil may mga naka-schedule na pasyente: 40 Scheduled Patients, 20 LGU Patients, at 10 Postpartum Follow-up.
🤰Ito po ay upang masigurong maayos ang daloy ng konsultasyon at matutukan nang mabuti ang bawat pasyente.
🤰Available na rin po ang mga serbisyo tulad ng NST (Non-Stress Test) at OB-GYN Ultrasound Services.
💬Para sa karagdagang impormasyon o katanungan, maari po kayong mag-message sa aming Official page.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na tiwala at suporta.💚