06/12/2022
"VERTIGO" MAIWASAN kung MALUSOG ANG ATING KATAWAN...
DRINK BUAH MERAH MIX JUICE EVERYDAY
👉👉👉"Bakit po tuwing bumagangon ako ay nahihilo ako?"
"Pakiramdam ko ay umiikot ang paligid ko kapag pumipikit ako."
"Bakit kung minsan habang naglalakad ako ay na-a-out of balance ako?"
"Doble-doble ang paningin ko."
"Madalas akong natutumba."
"Pinagpapawisan ako ng malamig at parang nasusuka, hindi naman ako buntis."
"Kung ang mga ito ay nangyayari sa iyo, mainam na kumunsulta sa doctor particularly sa isang espesyalita sa EENT."
Ang mga sintomas na ito ang maaaring tumutukoy sa sakit na ‘VERTIGO” o ‘Benign Paroxysmal Positional Vertigo’ (BPPV), na isang karaniwang karamdaman. Ang sakit na ito ay inuumpisahan sa biglaang pagbabago sa posisyon ng ulo, kung kaya’t ang pagsumpong ay nangyayari sa paggising, paggalaw sa k**a, o biglaang pagbangon.
Matatagpuan ang "pinakaloob ng tainga" sa likod ng gitnang loob ng tainga. Bahagi ito ng sentro ng balanse ng iyong katawan. Nagsasanhi ng vertigo ang sakit ng pinakaloob ng tainga -- isang maling pakiramdam ng paggalaw. Parang pakiramdam ito na umiikot ka o ang kuwarto. Maaaring magsanhi ang isang atake ng vertigo na biglaang pagkaduwal, pagsusuka at labis na pagpapawis. Nagsasanhi ang malalang vertigo ng kawalan ng balanse at pwedeng magsanhi sa iyo na mabuwal. Kapag may vertigo, kadalasang pinapalala ang mga sintomas ng maliliit na mga paggalaw ng ulo at pagbabago ng posisyon ng katawan.
Ang vertigo ay napag-alaman ding napapalala ng sobrang stress (sa trabaho, sa pamilya, sa buhay, etc.), kakulangan ng tamang nutrition at proper hygiene, at hindi sapat na tulog.
Kabilang sa mga sanhi ng vertigo ang:
Pamamaga ng pinakaloob ng tainga
Sakit ng mga nerve sa pinakaloob ng tainga
Paggalaw ng mga calcium particle sa pinakaloob ng tainga
Hindi maaayos na pagdaloy ng dugo sa mga sentro ng balanse ng utak
Maaaring tumagal ang yugto ng vertigo nang ilang segundo, minuto o oras. Kapag nalagpasan mo na ang unang yugto, maaaring hindi na ito magbalik. Gayunpaman, maaaring maulit at mawala ang mga sintomas paminsan-minsan sa loob ng ilang linggo o mas matanggal, depende sa sanhi. Maaaring may paghuni (o munting tunog) sa mga tainga o kawalan ng pandinig, na maaaring pansamantala o permanente.
Mga Tips at Pangangalaga kung may Vertigo:
Kung malala ang mga sintomas, magpahinga nang tahimik sa k**a. Magbago ng mga posisyon nang napaka marahan. Kadalasang mayroong isang posisyon na pinak**ainam sa pakiramdam, gaya ng paghiga sa tagiliran o paghiga nang nakatihaya na bahagyang nakataas sa mga unan ang ulo.
Huwag magmaneho o gumamit ng mapanganib na mga makinarya kung ang mga sintomas ay madalas umatake.
Ugaliing malinis sa pangangatawan upang makaiwas sa anumang impeksyon, lalo na sa tainga.
Maaaring gumamit ng gamot na ipinapayo ng espesyalista upang maibsan ang iyong mga sintomas, gaya ng sa pagkaduwal, pagsusuka at pagkahilo o motion sickness.
Kumain ng masusustansyang pagkain – mainam na piliin ang mga fresh at organikong prutas at gulay, nuts and seeds (unsalted), tofu, ricemilk, soymilk.
Iwasan ang sobrang maaalat at maraming preservatives gaya ng chichiria, instant noodles at processed meat. Limitahan din ang matatamis tulad ng cotton candy, softdrinks, icings, syrup toppings.
Panatilihin ang tamang timbang sa katawan, at magkaroon ng regular na ehersisyo.
Isama sa balanced nutrition diet ang vitamins o food supplement gaya ng Buah Merah Mix Pure Organic and All-Natural health juice; nagtataglay ito ng sapat na nutrients at pinak**ainam na anti-oxidant mula sa buahmerah fruit, mangosteen, guyabano, malunggay, barley, at wheat grass.
Nakakatulong ang Buah Merah Mix sa mga taong may iba’t ibang uri ng karamdaman sa kalusugan, kasama na rito ang “Vertigo”.
(Sources: eMedicineHealth, WebMD, Fairview Health Community, Essensa Naturale)