
15/08/2025
Magkakaroon po tayo ng regular na Visual Inspection with Acetic Acid (VIA) Screening dito sa ating RHU SIV para sa maagang pagtuklas at pag-iwas sa cervical cancer.
Ang screening na ito ay isasagawa ng mga trained medical personnel at mahigpit na pananatilihin ang inyong privacy at confidentiality.
✅ Mga kwalipikadong sumali:
• Babaeng edad 30–49 taong gulang
• Walang aktibong pagdurugo sa puwerta (hal. regla o hindi maipaliwanag na pagdurugo)
• Walang pakikipagtalik sa loob ng 3 araw bago ang screening
• Hindi buntis
• Hindi bababa sa 6 na buwan pagkatapos manganak
• Hindi pa menopause
• Walang history ng hysterectomy
💡 Bakit mahalaga?
Ang cervical cancer ay maiiwasan at magagamot kung ito ay matutuklasan nang maaga. Huwag hintayin ang sintomas bago kumilos—magpa-screening na para sa mas ligtas na bukas.
📍 Magparehistro na sa link na ito:
https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfmFY8Ch4xXaQA1jEktpk_3mU_iHL38YH1kDABCtZnJS-3JKw/viewform?usp=header
📆 Magpa-schedule na at alagaan ang kalusugan! 💪💜