23/10/2021
Pag-inom ng sobrang daming vitamin C tablets, delikado sa kalusugan: Pwedeng magdulot ng kidney stones
Generally, safe ang vitamin C lalo na kung nakukuha natin ito mula sa pagkain at hindi sa mga supplements. Ang vitamin C ay isang essential nutrient na ating kailangan, pwede tayong masobrahan o maoverdose nito at maaari itong magdulot ng iba't ibang komplikasyon sa ating katawan. Ang vitamin C ay isang water soluble na vitamin na kailangan para sa normal growth and development at nakakatulong din upang maabsorb ng ating katawan ang mineral na iron. Kailangan natin makakuha ng vitamin C mula sa pagkain o mula sa vitamin C tablets. For most people na nakakain naman nang sapat, hindi na kailangan ng vitamin C tablets o supplements dahil nakakakuha naman tayo ng enough vitamin C from fruits and vegetables tulad ng orange, strawberries, red pepper, broccoli at iba pa.
Kapag uminom tayo ng sobrang daming vitamin C tablets o supplements, pwede itong magdulot ng komplikasyon tulad ng diarrhea, pagkahilo, pagsusuka, heatburn, abdominal cramps at insomnia. Kapag sumobra sa 2000 mg kada araw ang ating iniinom, pwedeng makaranas ng mga komplikasyon na nabanggit. Pwede rin na magkaroon tayo ng iron overload sa ating katawan. Isa pa sa delikadong komplikasyon kapag umiinom ng high dose vitamin C ay ang pagkakaroon ng kidney stones o bato sa bato. Pwede kasing magbind o dumikit ang vitamin C sa oxalate sa ating ihi at pwede itong magform ng cystals o kidney stones. Ang mga taong umiinom ng vitamin C na sobra sa 2000 mg kada araw ay nakakitaan na din ng kidney failure o pagkasira ng bato.
Para sa matatanda ang recommended daily intake ng vitamin C ay 65 to 90 milligrams. Kung hindi niyo talaga maiwasan na uminom ng vitamin C supplement, siguruhin na within 65 to 90 mg kada araw (para sa mga buntis at nagpapasuso, 120 mg). Huwag na huwag pong lalampas ng 2000 mg sa mga healthy people at 1000 mg para sa mga may sakit sa atay, bato, gout, or a history of cacalcium-oxalate kidney stone.
Stay safe