06/11/2022
PAALALA:
1. Mag contact thru FB page Celina Mandain Aradani at huwag sa personal account ko Celina Susukan Mandain
2. Sundin ang schedule sa pag check up at iwasan mag reschedule ng 1 day na lang.
3. Kapag mag padala ng results online, please give a little history kung bakit pinagawa sa inyo ang work up na yon at ipadala din ang medication reminder. Hindi ko po maalala lahat ng pasyente unless nakikita ko ang record niya. Dalhin lahat ng resulta sa follow up.
Sa mga buntis please take note of the following:
a. Iwasan kumain ng pineapple (kahit juice lang), papaya and dates (Hulmah) pag hindi pa kabuwanan
b. Iwasan ang paninigarilyo
c. Matulog ng 6-8 hrs sa gabi at iwasan ang magpuyat.
d. Uminom ng 8 basong tubig araw-araw at iwasan ang pag inom ng softdrinks or ready to drink juices.
e. Hindi normal pag may lumabas na dugu, tubig or mabahong discharge galing sa ari.
f. Laging obserbahan ang galaw ng baby lalo na sa kabuwanan. Dapat malakas at maraming beses pa rin ang galaw.
g. Mag contact agad pag nakaramdam ng pananakit ng ulo, pag sisikip ng paghinga o pananakit ng dibdib, sikmura o tiyan, pananamlay at matinding pagkahilo
Sa mga bagong panganak, kumonsulta agad kung nakakaramdam ng mga sumusunod:
1. Naninikip and dibdib at hirap huminga
2. Lumalalang pag mamanas ng katawan.
3. Sobrang sakit ng ulo at pagkahilo.
4. Panghihina ng katawan.
5. Paglabas ng malakas na dugu na kulay p**a