Labuan General Hospital

  • Home
  • Labuan General Hospital

Labuan General Hospital Healer of the Sick, Keeping of Good Health

𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐌𝐩𝐨𝐱Alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Mpox (Monkeypox) — isang nakaha...
25/07/2025

𝐌𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐦𝐚𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐩𝐨𝐫𝐦𝐚𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐭𝐮𝐧𝐠𝐤𝐨𝐥 𝐬𝐚 𝐌𝐩𝐨𝐱

Alamin ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa Mpox (Monkeypox) — isang nakahahawang sakit na may mga sintomas tulad ng pantal, lagnat, pananakit ng katawan, at pamamaga ng kulani.

📌 Sa mga infographics na ito, makikita kung:
✅ Saan madalas lumalabas ang mga pantal na dulot ng Mpox?
✅ Ano ang mga sintomas ng Mpox?
✅ Ano ang mode of transmission ng Mpox?
✅ Anong mga dapat gawin para hindi magka-Mpox?

Maging mapagmatyag at panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran.
Kung may sintomas, agad na kumonsulta sa pinakamalapit na health center sa inyong lugar.

Maagang aksyon ang susi sa kaligtasan mo at ng iba dahil bawat buhay ay mahalaga.

Maging handa sa panahon ng sakuna, maghanda ng GO BAG!Maghanda ng GO BAG para sa bawat miyembro ng pamilya; narito ang m...
17/07/2025

Maging handa sa panahon ng sakuna, maghanda ng GO BAG!
Maghanda ng GO BAG para sa bawat miyembro ng pamilya; narito ang mga dapat lamanin ng isang Go bag.

Alam mo ba? 🤔Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals ca...
17/07/2025

Alam mo ba? 🤔

Ang Sudden Cardiac Arrest ay isa sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa mundo. 80% ng out-of-hospitals cardiac arrests ay nangyayari sa bahay kung saan pamilya ang unang nakasasaksi.

Ngayong National CPR Day, matuto mag CPR!
Sa tamang kaalaman, maaring makapag ligtas ng buhay!

Tandaan ang S.A.G.I.P:
S – Survey the scene and check the situation 👀
A – Assess the victim 🧑‍⚕️
G – Get help. Call 911 or your local emergency hotline. 📲
I – Initiate Compression💓
P – Place Automated External Defibrillator (AED) pads if available⚡

🎒DOH: IHANDA ANG INYONG GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA BINABANTAYANG LPA AT AKTIBIDAD NG BULKANBinabantayan ng PAGASA ang L...
17/07/2025

🎒DOH: IHANDA ANG INYONG GO BAG BILANG PAGHAHANDA SA BINABANTAYANG LPA AT AKTIBIDAD NG BULKAN

Binabantayan ng PAGASA ang Low Pressure Area (LPA) na nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility. Mataas ang tyansang maging bagyo ito sa susunod na 24 oras. Asahan ang kalat kalat na pag-ulan, pagkulog, at pagkidlat dala ng patuloy na pag-iral ng hanging habagat sa buong bansa.

Nananatili naman sa Alert Level 3 ang Bulkang Kanlaon habang patuloy ring binabantayan ang tatlo pang aktibong bulkan sa bansa.

Paalala ng DOH, maagang ihanda ang inyong Emergency GO BAG bilang parte ng maagap na paghahanda sa anumang sakuna. Gamitin ang larawan bilang gabay sa pagkumpleto ng mga gamit na nasa loob nito.

Sa panahon ng sakuna, maaaring tumawag sa: 🚨Emergency Hotline 911 at
📞DOH Hotline 1555, press 3

Bantayan ang latest reports mula sa NDRRMC, PAGASA, at PHIVOLCS sa mga link na ito:
https://monitoring-dashboard.ndrrmc.gov.ph/page/rainfall
https://www.pagasa.dost.gov.ph/weather
https://www.phivolcs.dost.gov.ph/index.php/volcano-hazard/volcano-bulletin2



Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamum...
15/07/2025

Huwag matakot magpa-HIV test. Kung magpositibo man, may libre at epektibong gamutan para mapanatili ang malusog na pamumuhay. 💊👍

Mula March 2024 hanggang March 2025, 88% ng mga PLHIV na naka-enroll sa antiretroviral therapy (ART) at sumailalim sa viral load test ay natukoy na virally suppressed. Patunay ito na ang tuloy-tuloy na ART para sa mga PLHIV ay nakatutulong para mas mabilis nilang maabot ang Undetectable = Untransmittable status.

Available ang ART services sa mga DOH HIV care facilities: tinyurl.com/HIVTreatmentHubs. 🏥





Simula ika-anim na buwan ni baby, kailangan na niya ng masustansyang pagkain bukod sa gatas ni Nanay! 🤱🍽️🧡 Magbigay ng k...
15/07/2025

Simula ika-anim na buwan ni baby, kailangan na niya ng masustansyang pagkain bukod sa gatas ni Nanay! 🤱🍽️

🧡 Magbigay ng karagdagang pagkain 2 beses sa isang araw, 3 kutsara bawat bigay.
🧡 Ipagpatuloy ang pagpapasuso.
🧡 Pumili ng pagkain mula sa hindi bababa sa 4 na food groups tulad ng:
– Kanin o tinapay
– Karne, isda, at itlog
– Prutas at gulay na mayaman sa bitamina A
– Dairy tulad ng keso at mantikilya

Sanayin si baby sa iba’t ibang pagkain habang maaga para sa mas malusog na paglaki.

🤱 Pagpapasuso kay Baby? Check your breastmilk, Mommy! ✅Para masigurong sapat at tuloy-tuloy ang daloy ng breastmilk, tan...
15/07/2025

🤱 Pagpapasuso kay Baby?
Check your breastmilk, Mommy! ✅

Para masigurong sapat at tuloy-tuloy ang daloy ng breastmilk, tandaan ang mga ito:
✔️ Tamang paghakab
✔️ Regular na pagpapasuso
✔️ Masustansiyang pagkain
✔️ Sapat na tulog at ehersisyo
✔️ Uminom ng maraming tubig
❌ Iwasan ang alak at sigarilyo
💡 Eksklusibong pagpapasuso lamang kay baby hanggang siya ay mag-6 na buwan!


❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕...
15/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




14/07/2025

🌾Nutrition Month 2025🌾

"Food Security, Maging Priority — Sapat na Pagkain, Karapatan Natin!"

Join us as we celebrate Buwan ng Nutrisyon 2025 with fun, educational, and meaningful activities that promote proper nutrition and food security for all!

📅 July 1 – Kick-off Program 🎉
🕺 July 14 – Nutri Zumba Contest 💃
❤️ July 31 – Culminating Activity & Outreach Program 🤝
🧠 Every Week – Nutrition Trivia to learn and win!

Together, let’s take action for a healthier, well-nourished community.

Tara na! Sama-sama nating isulong ang masustansyang kinabukasan! 💚🍽️

Dahil Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat, Para sa Lahat!

12/07/2025

Happy Birthday to the Amazing Head of our Public Health Unit, Dr. Anna Eunice Aujero-Sapasap.

Thank you for all that you do for Labuan General Hospital.

From your LGH Family♥️♥️♥️

Address

Labuan

7000

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Labuan General Hospital posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Labuan General Hospital:

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram