20/01/2026
💛
2026 na at ang bilis ng panahon! Mula sa pagkabata, ngayon ay nagbibinata o nagdadalaga na ating mga anak na may Autism. Habang lumalaki, dumarami rin ang mga tanong natin: Paano sila magiging independent? Paano sila magkakatrabaho o bubuo ng sariling pamilya?
Huwag mag-alala, hindi niyo kailangang harapin ito nang mag-isa.
Inaanyayahan kayo ng PCMC Section of Neurodevelopmental Pediatrics sa "Level Up: Growing with Autism," isang espesyal na programa para sa mga magulang kung saan pag-uusapan natin ang mga hakbang para sa kanilang kinabukasan.
Sabay-sabay nating i-level up ang kanilang kakayahan! 🚀
🗓 Kailan: January 31, 2026 🕕 Oras: 6:00 PM
📍 Saan: Abangan sa Facebook Live!