31/12/2023
MGA BID’AH “Ipinagbabawal” NA KARANIWANG GINAGAWA NG IILAN SA PANAHON NG PAGPASOK NG NEW YEAR!!
Narito ang iilan sa gawaing BID’AH “ipinagbabawal” o Shirk “pagtatambal kay Allâh” na kadalasang ginagawa sa pagsapit ng bagong taon:
1. ANG PAGBABATIAN NG: “HAPPY NEW YEAR”
Nagkaisa ang lahat ng pantas sa pagbabawal ng pagbati sa mga Hindi Muslim ng: Happy New Year etc..
Sinabi ni Shaikh Ibn Uthaimeen: ❝Ang pagbati sa mga hindi mananampalataya sa panahon ng Christmas o anumang pagdiriwang na may ugnayan sa kanilang relihiyon ay HARAM “ipinagbawal” ayon sa napagkaisahan ng lahat ng mga Ulama “pantas”.❞
قال الشيخ الإمام محمد بن صالح العثيمين رحمه الله : ❞ تهنئة الكفار بعيد الكريسماس أو غيره من أعيادهم الدينية حرام بالإتفاق ❝
2. ANG PAGDIRIWANG NITO
Nagkaisa rin ang mga pantas na ang pagdiriwang ng New Year ay kabilang sa ipinagbabawal dahil ito ay isang uri ng pagpapakita ng suporta, pagmamahal at panggagaya sa mga hindi mananampalataya sa kanilang pagdiriwang!!
Sinabi ng Propeta ﷺ: ❝Sinuman ang gumaya sa ibang QAUM "kanayunan (hindi mga Muslim)", katunayan siya ay kabilang sa kanila.❞ Ang Hadith ay authentic
قال ﷺ : ❞ مَنْ تَشَبَّهَ بِقَوْمٍ فَهُوَ مِنْهُمْ ❝ وصححه الألباني في صحيح سنن أبي داود ( ٤٠٣١ )
3. ANG PAGHAHANDA NG BILOG NA PRUTAS SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON BILANG PAMPASUWERTE AY ISANG NAPAKALAKING SHIRK!!
Kaya ito napabilang sa Shirk “pagtatambal” dahil sa pananalig at paniniwala na ito ay nakapagbibigay ng magandang kapalaran sa tao, na ang tanging may kapangyarihan magbigay nito ay si Allâh lamang!.
Ito ay hayag na sumasalungat sa paniniwala at pananalig kay Allâh, sa halip ang kanyang pananalig ay nakatoon sa bilog na prutas!!
Ang mga ganitong pamahiin o pangitain ay kabilang sa tinawag ng Mahal na Propeta ﷺ na Shirk “pagtatambal kay Allâh”.
Naisalaysay mula sa Propeta ﷺ na kanyang sinabi: ❝Ang pangitain ay Shirk (pagtatambal kay Allâh), binanggit niya ito ng tatlong beses.❞
عن النبي ﷺ أنه قال : ❞ الطيرة شرك ، الطيرة شرك ، الطيرة شرك ❝ رواه أبو داود ( ٣٩١٠ ) في الطب ، والترمذي ( ١٦١٤ ) في السير وقال : هذا حديث حسن صحيح .
4. ANG PAGSAGAWA NG NEW YEAR RESULOTION AY KABILANG SA GAWAING BID’AH!
5. ANG PAGGAMIT NG PAPUTOK O PAGPAPAINGAY katulad ng pagpukpok ng mga kaldero, palanggana o pagpapaandar ng mga sasakyan etc... ay pawang gawaing Bid’ah at panggagaya sa kanila.
Upang makaiwas sa mga gawaing HARAM, mainam na umiwas, huwag makisali o makihalobilo sa panahon ng kanilang pagdiriwang at huwag ring bumati ng New Year!
Mainam na maagang matulog at huwag mag abang ng paputok dahil sa iyong pag-aabang at pakikinig ay kabilang sa pagpapakita ng suporta at pagtangkilik sa kanilang pagdiriwang!!
📚 Sinulat ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (Hafidhahullâh)
________________
🔎 (FaceBook | Twitter | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)